Thursday , December 19 2024

Nurse na kapatid ni Marvin, umaming mababa ang morale nila sa Canada

KUNG alalang-alala si Vice Ganda para sa kapatid n’yang doktora rito sa bansa, si Marvin Agustin naman pala ay may nakatatandang kapatid na babae na isang Nurse sa Canada. Awang-awa rin siya para sa ate n’ya (na ang pangalan ay Cheng).

 

Kahit pala kasi sa Canada ay napakahirap at nakaninerbiyos ang maging frontliner.

 

Noong Huwebes, April 9, ipinost ni Marvin sa Twitter ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ng kanyang Ate Cheng.

 

Simpleng tanong ni Marvin sa Ate n’ya: “Kamusta ka?”

 

Ang maikling pangungumusta ng kapatid ay sinagot nang mahaba at nakababagabag.

 

Bungad ng Ate: “Pagod lagi sa trabaho. Hindi lang physical. Mababa rin ang morale sa workplace ko. Even before COVID pa naman. Worse pa ngayon.”

 

Patuloy ng Ate: “For the past 2 days, iyak ako nang iyak bago pumasok sa trabaho. But as soon as I get to work, mukhang okay lang ako.”

 

Pero ipinagtapat din ni Cheng ang isang dahilan kung bakit nanlulumo siya. “I learned from the news a Filipino in his 40s had died last weekend.”

 

Covid-19 ang ikinamatay ng Pinoy na nagtatrabaho sa isang facility for disabled adults. Nang nagpositibo ito sa virus, pinayuhan siyang mag-self-isolate.

 

Kuwento ni Cheng: “Although monitored siya ng telehealth medical staff thru his wife, quarantined sya sa room sa itaas ng bahay nila.

 

“When he did not respond to his wife’s text message on Sunday, he was found unconscious on his bed.”

 

Wala nang nagawa ang mga nagrespondeng emergency medical technicians para i-revive ang kababayan natin. Bukod sa misis n’ya, may naiwan itong isang anak na four years old pa lang. Tatlong taon pa lang sila sa Canada.

 

Pag-amin din ng kapatid ni Marvin: “This pandemic is making me really think hard… I won’t quit work now.

 

“I don’t know if I will. But I would definitely make changes when the right time comes.”

 

Makaantig-damdamin ding reaksiyon ng aktor sa kalagayan ng ate n’ya. Aniya sa una n’yang tweet: “Mahalin at kamustahin nyo mga kamag-anak nyo lalo na kung nasa health/medical industry sila.

 

“Palakasin nyo loob nila…”

 

Kasunod niyang tweet: “Grabe dusa at sakripisyo nila. Grabe panganib sa buhay nila.

 

“Gusto na nila sumuko pero di nila gagawin para sa atin.

 

“Sa mga kayang manatili sa bahay, PLEASE STAY Home. Wag na natin dagdagan ang bigat na nararamdaman nila [praying hands emoji] #frontlineworkers.”

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Nadia Montenegro  Sophia Baron Geisler Mikee Quintos

Sophia sa pagpapalit ng apelyido — I’m very proud sa kung anong mayroon ako ngayon

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng mag-inang Nadia Montenegro at Sophia sa Lutong Bahay hosted by Mikee Quintos, napag-usapan ang  …

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *