Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ben & Ben, sumusulong ang career kahit naka-ECQ

HINDI kailangan ng folk-pop band na Ben & Ben ang ingay ng mga palakpak at masisiglang sigaw ng live audience para maging inspirado sa paggawa ng mga bagong awitin para sa fans nila at sa madla.

 

Nitong mga nagdaang araw ng extended community quarantine, dalawang bagong kanta ang nalikha nila at isa roon ay magiging first international single nila.

 

Doors ang titulo ng magiging international single ng bansa at ang magri-release nito ay ang Sony Music Philippines. Ngayong April 16 (Huwebes) ilalabas ng kompanya ang single. Kahit Ingles ang titulo ng kanta, habang isinusulat namin ito ay ‘di pa ipinahahayag ng kompanya at ng banda kung Ingles o Filipino/Tagalog ang lyrics ng kanya. (Sa Pilipinas, uso ang Ingles ang titulo pero Filipino/Tagalog ang nilalaman.)

 

Pero magkakaroon din ng malawakang paglulunsad ang single at ito ay gagawin sa You Tube channel sa April 18 (Sabado), 7:00 p.m..

 

Actually ang paglulunsad ay magiging bahagi ng pangalawang online concert ng Ben & Ben para nakalikom ng pera para personal protective equipment (PPE’s) ng frontliners at para na rin sa iba pa nilang pangangailangan. Dahil concert ‘yon, tiyak na kakantahin doon ang ilan sa mga awitin sa kauna-unahang album nila na ang titulo ay Limasawa Street.

 

Hindi personal na magkikita-kita ang siyam na miyembro ng banda sa online concert. Mula sa kani-kanilang bahay tutugtog at aawit ang mga miyembro (pero dahil kambal na magkapatid na nakatira sa isang bahay lang ang band leaders-vocalists na sina Paulo Benjamin at Miguel Benjamin, silang dalawa ay personal na magkikita.)

 

Tungkol naman sa naunang kantang nilikha ng banda sa gitna ng community quarantine, ang titulo nito ay Nakikinig Ka Ba sa Akin? Nai-perform na ‘yon ni Paulo Benjamin sa Twitter page ng Ben & Ben.

 

Parehong love songs ang Doors at Nakikinig KA Ba sa Akin?

 

Mukhang sumusulong ang career ng banda sa gitna ng lockdown sa bansa.

 

Ilang araw lang ang nakararaan, napabalitang tumuntong sila sa ranggong 29 sa Billboard Social 50 chart. Naungusan nila ang American rappers na Doja Cat at Cardi B, at ang KPOP group na TOMORROW X Together.

 

Ang Social 50 ng Billboard ay isang popularity chart na iniraranggo ang mga banda at solo vocalists ayon sa rami ng posts tungkol sa kanila sa social media at streaming media. Sinusukat ng Billboard magazine ang global following ng mga singer at musikero.

 

Ayon pa sa Twitter post ng Ben & Ben, noong Abril 4 una silang pumasok sa Billboard Global 50. Number 48 pa ang ranggo nila.

 

Ang pagpasok nila sa Global Chart ay ang naka-motivate sa kanila na mangarap na maging sikat globally at mag-record ng International single.

 

“It’s our dream to share our music to a global audience one day. Let’s get there together!” bulalas ni Paulo Benjamin.

 

Samantala ang kanta nilang Doors ay may international touches din naman. Ayon sa Sony MusicDoors is mixed by Grammy Award-winning engineer Miles Walker (Beyonce, Usher, Coldplay, Rihanna) and mastered by Leon Zervos (Pink, Maroon 5, Beastie Boys, Willy Nelson).

 

May ebidensiya namang matindi ang appeal ng Ben & Ben sa madla sa panahong ito ng community quarantine. Ayon pa rin sa Sony Music, ‘yung unang online concert nila noong March 27 ay nakalikom na ng P4. 2-M.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …