Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ivana, namigay ng food packs mula sa kinita ng kanyang sexy vlog

MASASABING mala-Angel Locsin ang baguhang si Ivana Alawi sa ginawa n’yang paghahanda ng daan-daang food packs gamit ang sarili n’yang pera. 

Nag-post siya kamakailan sa Facebook at Instagram ng dalawang litrato n’ya, kasama ang ina at isang kapatid na babae, na napaliligiran ng mga isinupot nilang edible goods na ipamimigay sa mga kababayan nating ‘di nakapaghahanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine. 

“Pasensya na kayo sa hitsura namin. Madaling araw na kami natapos mag-pack ng mga pagkain na ipamimigay namin sa mga kababayang nangangailangan ng tulong. I am encouraging everybody to help. Maliit man yan o malaki, ang importante ay tumulong tayo,” sabi ni Ivana sa Facebook n’ya (@ivanaalawi).

Sa mga litrato, may nakapaligid din sa kanila na mga sako-sakong bigas, kahon-kahong mga delata, kape, noodles, at kung ano-ano pa. Mukhang ‘di pa talaga tapos sa pagsusupot. 

Gaya nang naging trademark na n’ya tuwing nagpapalitrato siya para sa social media, labas ang itaas na bahagi ng malusog n’yang dibdib. Mismong ang butihin n’yang ina at kapatid ay sanay na sa ganoong hitsura n’ya. 

Samantala, may mga nagsasabing ang ipinambili ni Ivana ng goods na ipamamahagi n’ya ay mula sa kinita n’ya bilang isang sexy vlogger sa You Tube

Hindi n’ya binanggit sa post n’ya sa Facebook at Instagram kung kasama siya sa pagdi-disribute ng food packs, pati na kung saan-saan ipamamahagi ang mga iyon, at kailan. 

Malamang na magpasama siya sa mga pulis o sa Army kung kasama siya mismo sa pamamahagi ng food packs. 

Kung ngayon pa lang na malamang na ‘di pa kalakihan ang kita n’ya ay may puso na siya sa pagkakawang-gawa, may mga nagsasabing magiging mala-Angel nga si Ivana na ‘di-mangingiming gamitin ang sarili n’yang pera sa pagtulong sa maraming taong nangangailangan. 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …