Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Vico Sotto, magaling mag-basketball

“Magaling ‘yun… shooter siya!”

‘Yan ang pagbubunyag at papuri kay Pasig City Mayor Vico Sotto ng isang mahusay na basketbolista: walang iba kundi ang half-brother n’yang si LA Mumar. 

Magkapatid sila sa ina. Parehong si Coney Reyes ang ina nila. Sampung taon ang tanda ni LA kay Vico.

Kung ang ama ni Vico ay ang comedian-producer na si Vic Sotto, ang ama naman ni LA ay ang naging napakasikat na basketbolistang si Larry Mumar ng PBA. (At ang ama naman ni Larry ay ang legendary Pinoy basketball player na si Lauro “The Fox” Mumar.)

Malapit sa isa’t isa sina LA at Vico dahil lumaki sila sa ilalim ng isang bubong, sa pangangalaga ng kanilang butihing ina. May buong kapatid na babae si LA na ang pangalan ay Carla.

Bagong appointed coach si LA ng women’s basketball team ng Ateneo. Ininterbyu siya kamakailan ng sports website na spin.ph tungkol sa bago n’yang posisyon pero napahalo sa usapan ang sikat na sikat na half-brother n’ya.

Dahil umaapaw na ang mga papuri kay Vico bilang napaka-maasikasong mayor sa buong Pilipinas, si LA na lang siguro ang nakakaalalang mahusay ding magbasketbol si Vico.

‘Di nalilimutan ni LA na naging varsity player si Vico noong high school sa Brent International School sa Pasig City.

“Shooter s’ya! Nakaka-score siya ng 40-50 points sa isang laro,” paggunita ni LA.

Ang pakiramdam nga ni Kuya LA ay malamang na may mas maganda pang kinabukasan si Vico sa kanya sa basketbol dahil mas matangkad ang nakababatang kapatid. Ang height ni LA ay 5’8″ samantalang si Vico ay six feet.

Pero pakiramdam ni LA ay kahit na noong mga bata pa sila ay ang paglilingkod-bayan na ang mas hilig ni Vico kaysa sports. Ni hindi rin nga nakahiligan ni Vico ang showbiz kahit na parehong artista ang mga magulang.

“From the start, his passion was really governance and public service,” deklara ni LA na naging miyembro ng Blue Eagles ng Ateneo.

Noong hindi pa mayor si Vico, sumasali pa rin ito sa team ng Ateneo ‘pag may alumni games. Pero sa ngayon, nanonood pa rin si Vico ng Ateneo alumni practice games.

“Sometimes, he drops by to watch our practices. Upo lang sya, nood-nood. He loves the game!” kuwento pa ni LA.

Sa interbyu nga pala ng Spin.ph kay LA, itinampok ang ilang larawan ni Vico na nagtuturo ng dribbling skills sa isang sports clinic sa Pasig para sa palengke kids, at kasama ni Vico ang bayaw niyang si Marc Pingris ng Magnolia. (Misis ni Marc si Danica Sotto, isa sa mga anak ni Vic kay Dina Bonnevie.)

Ngayong naipaalaala namin na magaling din sa basketbol si Vico, tiyak na madaragdagan pa ang mga humahanga sa kanya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …