Sunday , November 17 2024

Gown designer Michael Leyva, nagpatulong kay Angel sa pamamahagi ng PPEs

PUWEDENG mag-feeling ramp model o celebrity ang mga frontliner at mapapalad na makatatanggap ng face masks at mga kasuotang pang-iwas na madampian ng corona virus na idinisenyo ni Michael Leyva, isa sa mga sikat na designer-to-the-stars dito sa bansa.

‘Di lang idinisenyo ni Michael ang mga ido-donate n’yang personal protective equipment (PPEs). Pati ang tumahi ng mga ito ay ang mga tauhan n’yang nananahi ng mga gown ng mga celebrity na gaya nina Anne Curtis, Bea Alonzo, Charo Santos, Nadine Lustre, at Kris Aquino. Naitanghal na rin ang mga disenyo n’yang gown sa Russia at sa iba pang bansa.

Pahayag ni Michael sa Instagram n’ya kamakailan: “We are one with this. #teammichaelleyva will be donating PPEs, head covers and masks for our heroes #frontliners. 

“Mabuhay po kayo at salamat sa dedikasyon at pagmamahal sa ating bayan. This wouldn’t have been possible without my team’s dedication and willingness to help.”

Kalakip ng Instagram n’ya ang ilang litrato ng mga mananahi sa kanyang patahian na abala sa paggawa ng PPEs. ‘Di n’ya binanggit kung nasaang lugar ang malaking patahiang iyon.

Samantala, nagpatulong naman siya kay Angel Locsin  sa pamamahagi ng ginawa niyang PPEs sa mga medical worker. Nakalagay iyon sa isang bag na mayroong Bible verse..

Ani Leyva, “Sent over our first sets of PPEs for our heroes frontliners with our hero Darna herself Angel Locsin. I decided to put bible verses and words of encouragement to uplift their day. Mabuhay po kayo and Maraming salamat po sa malasakit.”

Bago namahagi si Leyva, marami-rami na rin namang fashion designers ang nag-donate ng PPEs para sa COVID-19 frontliners sa bansa. Kabilang sa mga ito sina Mich Dulce, Steph Lim, Patrice Ramos Diaz, Rajo Laurel, Patty Ang, at Puey Quinones. 

Maging ang beauty doctor na si Vicki Belo ay nakapagpadala na rin ng PPEs sa mga ospital at sa mga pulis na nakatoka sa mga checkpoint sa Luzon.

Sabay sa pagdo-donate nila ay ang pagpapapaalala sa mga mamamayan na maging maingat, alagaan ang kanilang mga sarili at mga mahal sa buhay, sundin ang lahat ng instruksiyon ng health authorities (lalo na ang pananatili sa loob ng bahay kundi naman kailangang lumabas), pati na ang patuloy na pananalig sa proteksiyon ng Diyos.

Nawa’y dumami pa ang fashion designers na magboboluntaryong gumawa ng libo-libo pang PPEs habang ‘di pa nasasawata ang bilang ng pasyente ng COVID-19 sa bansa.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *