TATLONG bagong kaso ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19) sa Pasay City, iniulat kahapon.
Base sa ulat ng Pasay City Public Information Office (PIO) kahapon dakong 12:00 nn, umabot sa 43 ang kanilang persons under monitoring (PUMs), na ang lima rito ay hindi galing sa Pasay City habang 34 persons under investigation (PUI), walo rito ang residente sa lungsod at 26 ang galing sa ibang lugar.
Gumaling ang isa sa naturang sakit at nakalabas ng pagamutan habang walang naiulat na namatay sa COVID-19 sa Pasay.
Samantala, inihahanda na ang mga grocery packs para sa mga residente sa lungsod ngayong linggo upang maiwasan ang paglabas ng bahay.
Prayoridad ng alkalde ang kaligtasan at mabantayan ang kalusugan ng mga Pasayeños sa ilalim ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Nauna nang nagpatupad ng disinfection at sanitation sa city hall, mga pampublikong paaralan at iba pang lugar sa lungsod upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing virus. (JAJA GARCIA)