Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

P4-M shabu kompiskado sa ‘supplier’ ng ilegal na droga

NABUKO ang tangkang pagdadala ng isang lalaking supplier ng shabu sa Pampanga na kinuha pa sa kanyang ‘source’ kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Taguig.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, P/Maj. Gen. Debold Sinas, ang inarestong suspek na si Gilberto Lagunzad, 29 anyos, walang trabaho, tubong Tacloban, Leyte kasalu­kuyang naninirahan sa Adian 2 Extension, Barangay Balibago, Angeles City Pampanga.

Tinatayang 600 gramo ng shabu ang nakompiska kay Lagunzad na tinatayang may P4,080,000 street value.

Base sa ulat ng Police Community Precinct (PCP-2), habang nagsa­sagwa ng checkpoint ang anti-criminality operation sa panulukan ng at A. Bonifacio Avenue, Barangay Upper Bicutan, Taguig City, nabuko ang dalang shabu ng suspek, dakong 3:00 am, kahapon.

Nasamsam sa suspek nina Patrolman George Stephen Datoy at P/Cpl. Emmanuel John Vicente, ng PCP-2, ang isang packaging tea wrapper; at isang itim na ecobag na pinaglagyan ng tinatayang 600 gramo ng shabu na nakalagay sa 12 heat-sealed transparent plastic sachets, may street value na P4,080,000.

Nahaharap sa paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

“This is the very reason why the local police were not deployed to the boarders of Metro Manila but rather, they were retained within their areas of responsiblity, to continue their anti-criminality and anti-illegal drug operations. It is indeed disappointing that despite of the danger caused by COVID 19, there are still some people who are taking advantage of the situation to do their illegal activities. Nevertheless, police force is ready to serve and protect our community 24/7 from all forms of criminality and prevention of drug proliferation,” ani Sinas.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *