Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Ano ang silbi ng 8pm-5am curfew hour sa NCR?

MARAMING mamamayan ang nagtatanong kung ano raw ba ang silbi at tulong ng curfew na ipinapatupad sa National Capital Region (NCR) ng ilang alkalde at local government units (LGUs) sa kasalukuyan.

Ano nga naman ba ang maidudulot na maganda ng curfew hinggil sa killer virus na COVID-19 na kasalukuyang kinakaharap ng ating bansa?

Ipinapalagay ng ilan na kaya ito ipinatupad upang madisiplina ang publiko, maiwasan ang paggala, nightlife, at ang tumpukan sa pama­magitan ng pakikihalubilo.

Ang hakbang na ito ay ipinatupad ng ilang alkalde at mga LGU segun sa rami ng kanilang residenteng nagpositibo sa COVID 19.

Nangamba rin ang madlang people sa implementasyon nitong curfew kung ito ay magiging criminal offense o lalabas na paglabag sa city ordinance.

Kung ang punto nga naman ng curfew ay upang iwasan ang paglaganap ng sinasabing virus, hindi anila praktikal ito dahil pagsapit ng 5:00 am sila-sila rin ang magkikita-kita.

Sila-sila, kami-kami, at tayo-tayo rin ang magtatagpo at magkakasama sa huli kung kaya malamang na kumalat at maging laganap ang virus na ito, walang silbi ‘di po ba?

May punto at tama rin naman kung ang magiging dahilan at motibasyon kaya ipinatupad ang curfew ay hindi angkop, walang sustansiya.

Imposible nga namang hindi maglabasan sa kanilang mga bahay ang mga residente. E paano ang kanilang mga trabaho, hanapbuhay, o ‘di kaya ang kanilang negosyo. Paktay tayo sa gutom, ‘di po ba?

Ang pinakamagandang gawin ay huwag na lang palabasin ng bahay ang kanilang constituents hanggang sa April 14, house quarantine siguradong safe sila.

Wasto at tama lang ang disposisyong ginawa ng ating Pangulong Rodrigo Duterte na i-house quarantine ang mga mamamayan na naninirahan sa NCR dahil sa hakbang na ito, hindi sila magkakaroon ng pagkakataon upang mag-umpukan at magsama-sama.

Kung sakaling maipatupad ito, maliit ang tsansang lumaganap at makahawa ang COVID 19, dangan nga lang ay baka gutom naman ang maging sanhi ng kanilang kamatayan. He he he…

PROVINCIAL BUSES COMMUTERS MULA NORTE AT TIMOG PATUNGONG MAYNILA UMAANGAL SA MALAYONG TERMINAL

Mabigat na parusa raw para sa commuters na lulan ng mga provincial bus mula norte at timog ang layo ng kanilang bababaan bago makapasok sa Metro Manila.

Mantakin ninyong sa Bocaue, Bulacan ka ibababa kung galing ka ng norte, at Sta. Rosa, Laguna naman ang iyong baba kung galing ka sa timog.

Sana naman daw ay sa malapit-lapit na lugar sila ibaba tulad ng Meycauayan, Bulacan kung galing ng norte at sa Alabang man lang kung galing ng timog na maski paano ay malapit na sa NCR.

Ganoon din naman ang suma-tutal, obligado rin silang dumaan sa thermal test bago bigyan ng go signal na makapasok ng Maynila e kung bakit ubod pa ng layo ang lugar na kanilang itinakda.

Ayos lang sana kung susunduin kami ng sasakyang libre upang ihatid kami sa Maynila, e hindi naman dahil sa sariling bulsa namin manggagaling ang pasahe. Siyento porsiyento hindi mag-aabono ang mga may panukala ng hakbang na ito na walang iba kundi ang Depart­ment of Transportation.

Ano na lang ang matitira sa aming suweldo gayong minimum wage lang ang tinatanggap ng ilan samantalang mas maliit ang sahod ng karamihan gaya ng mga casual, contractual at ang mga tauhan ng mga agency.

Marami sa kanila ang arawan ang suweldo. Araw-araw rin silang lumuluwas at umuuwi sa kanilang lalawigan, e ano pa ang matitira sa kanilang pamilya kung pasahe pa lang ay ubos na.

Dati anila, deretso ang mga bus sa terminal sa Maynila kaya malaki ang kanilang natitipid. Siya nga naman DOTr, sana naman ay abutin ninyo ang kanilang si­twasyon at kala­gayan, kawawa naman ‘di ba?

SOCIAL DISTANCING MAGING EPEKTIBO KAYA?

Maging applicable kaya ang ipinatutupad na social distancing ng gobyerno lalo sa mga pampublikong sasakyan na hind kaila sa atin ay halos sumabog dahil sa rami ng pasaherong sumasakay lalo sa oras ng pasukan at rush hour.

Biruin ninyong isang metro umano ang kailangan nilang maging agwat at pagitan sa kapwa pasahero, parang hindi yata ganoon kadali ang pagpapatupad nito.

Sa LRT at MRT lang ay napakahirap pigilan ang publiko na halos nagkakabalyahan at tulakan para makasakay lang kahit siksikan at tayuan.

Ganoon din ang sistema sa mga pam­pasaherong jeepney na bukod sa kandungan ay may mga nakasabit pa, kulang na lang na okupahin na rin ang bubong, tama po ba?

Tapos ay sa isang kumpas lang ay ipaiimplementa ang spacing na isang metro? Pabor ito sa mga commuter dahil sa malaki ang espasyo at hindi pa siksikan, iyon naman ay kung ito ay maipapatupad.

Sa kabilang dako naman ay malaki rin ang problema ng ating mga driver partikular ang mga jeepney driver na alam nating lahat ay nagba-boundary lang sa kanilang mga operator. Paano na kaya angmagiging sistema nila ngayon? Abangan na lang natin…he he he.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *