Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bela at Vice Ganda, tinanggihan ang fans na nagpapa-selfie

TUMANGGI pala si Bela Padilla kamakailan na makipag-selfie sa isang fan na kapwa n’ya babae.

Tama ang ginawa ng aktres. Ibang klase naman talaga kasi ang fan na ‘yon na sa panahon pa ng corona virus nakaisip na makipag-selfie.

Alam ni Bela na siguradong nagdamdam ang babaeng fan na ‘yon at maaaring siraan siya nito sa social media kaya nag-tweet na siya agad  tungkol doon. Ginawa n’ya ‘yon kahit wala pa namang nakararating sa kanya na balitang may namba-bash sa kanya dahil sa pagtanggi n’yang makipag-selfie.

Ayon kay Bela, nasa isang grocery sila ng mommy n’ya nang biglang may lumapit na babae sa kanilang mag-ina at pinakiusapan si Bela na mag-selfie sila. Hindi nilinaw ni Bela kung ipinakilala n’ya sa fan na ‘yon na ang butihin n’yang ina ang kasama n’ya. Ang ina pa kasi n’ya ang pinakiusapan ng fan na kunan sila ng litrato. Nagtanggal pa nga ng facial mask ang fan na mabait naman at magalang.

Gaano man kagalang at katindi ang pakiusap ng fan, tumanggi pa rin si Bela.

Tweet ng aktres:

“I hope everyone understands when we refuse photos for the time being,…i understand [that fan’s] excitement but safety first.” she began.

Binigyang-diin n’yang kung nagkita sila ng fan na ‘yon sa ibang panahon, sigurado siyang ‘di tatanggi na magpakuha ng litrato na magkasama sila.

May bali-balitang si Vice Ganda man ay may fans nang tinanggihan na makipag-selfie.

Sa pagtanggi ng mga artista at iba pang celebrities na magpa-selfie sa panahong ito, hindi lang naman ang sarili nila ang inililigtas nila sa Corona Virus—kundi pati na ang fans na tinanggihan. Pwedeng matiyempo na ang artista o celebrity pala ang walang malay na carrier na pala sila ng corona virus. Sa artista man o sa karaniwang tao nagmumula ang corona virus, nakamamatay pa rin ‘yon kundi maaagapan.

(DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …