KUSANG nag-post si Jaclyn Jose sa kanyang Instagram ng mga comment ukol sa saloobin n’ya sa mga anak na nagpapaka-independent na, o nagtatrabaho na. May idea siya na may kinalaman sa perang support ni Sarah sa pamilya ang pinoproblema ni Mommy Divine.
Binigyang-diin ng single parent na ina ni Andi na ang responsibilidad ng mga magulang na suportahan ang mga anak nila. Hindi ang mga anak ang kailangang sumuporta sa mga magulang at kapatid.
Lahad ni Jaclyn: “It is our responsibility [as] parents. I am a single mom of 2, i worked so hard to make them feel that everything was OK, napuputulan ng ilaw o di makabayad [ng] rental but that doesn’t mean na ipapasa ko problema ko sa mga anak ko.”
Ipinagmalaki n’yang ni isang sentimo ay ‘di siya nanghingi sa mga anak n’ya.
Aniya: “I haven’t gotten a single centavo sa mga anak ko. Kakayanin ko lahat para sa mga anak ko .i did all my best to raise them happy lang..no controlling para pag time naman nila, gawin nila naman para sa mga anak nila.”
Pasubali n’ya sa pagtatapos ng comment n’ya: “Di ako nakikisawsaw sa issue, just giving my point: let them. At the end, they will be more responsible..us parents must understand our children. Let them leave. Madadapa yan pero babangon kung hahayaan natin sila.”
May panahon kaya si Mommy Divine na magbasa at makinig sa mga reaksiyon ng madla sa panunurot n’ya kina Sarah, Mateo, at pamilya ng mister ng anak n’ya?
Sana, mayroon. Sana all parents! (DANNY VIBAS)