Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah at Matteo, sa bahay ng pinsan nakitulog pagkatapos ng kasal

KOMPIRMADONG ikinasal na ang apat na taon nang mag-sweetheart na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidecelli. Sa isang hotel sa Taguig ikinasal ang dalawa at doon din idinaas ang reception, na ang karamihan ng mga bisita ay kapamilya at kamag-anak ni Matteo.

Mag-asawa na sila sa kabila ng pagtutol ng mga magulang ni Sarah, lalong-lalo na ang kanyang inang si Divine Geronimo. Ang pagtutol na ‘yon ang dahilan kaya’t kinailangang ilihim ng magsing-irog ang kasal at kung bakit ang pamilya’t kamag-anak lang ni Matteo ang kinumbida sa kasal at sa reception.

Pinabulaanan ni Matteo ang balitang sinuntok n’ya ang driver-bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara na nagpa-blotter sa isang presinto sa umano’y pananakit sa kanya ng actor-car racer.

Ang napaulat na dahilan ng umano’y panununtok ni Matteo ay ang umano’y biglang pagsulpot sa hotel ng ina ni Sarah at paghiling na makausap ang anak.

‘Di malinaw sa ulat kung nakarating sa pintuan ng lugar ng reception ang ina ni Sarah o ibinalita lang ng driver-bodyguard na nasa hotel na rin iyon ang ina ni Sarah at nais nga siyang makausap.

Ang suspetsa ay ang driver-bodyguard ang nagbigay ng inpormasyon sa ina ni Sarah sa nagaganap na wedding reception. ‘Yon daw ang dahilan kaya sinuntok ni Matteo ang bodyguard ni Sarah.

Kung tutol ang mga magulang ni Sarah sa naganap na kasalan, saan umuwi ang bagong kasal noong madaling araw na natapos ang piging?

Sa bahay ng pinsan ni Matteo na si Marie Irisha Arcenas.

Ito ay ayon sa Instagram pictures na ipinost ng pinsan na ang palayaw ay Mia.

“With love, the impossible becomes possible. (We can finally do our sleepover! Our home is your home, we love you guys!),” pahayag ni Mia sa caption ng kanyang Instagram na nagpapakita sa mga bagong kasal.

May isa pang picture na nagpapakitang nakaupo sa isang mahabang sopa sina Sarah at Mateo, Mia at ang kanyang mister.

Si Mia ay naging Binibining Pilipinas 2012 candidate at isa siyang fashion and accessories designer.

Sa isang interbyu noong 2012, ipinahayag ni Mia na may special bond sila ni Matteo dahil halos magkasing-edad sila at naging magkalaro noong mga paslit pa sila.  Hindi nagpakita sa ASAP Ko ‘To kahapon (February 22) si Sarah.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …