Monday , December 23 2024
money thief

P.3-M natangay sa sexagenarian na engineer ng riding in tandem

NILIMAS ng mga naka-motorsiklong kawatan ang mahahalagang bagay mula sa isang senior citizen nang holdapin kahapon ng umaga, 20 Pebrero, sa bayan ng Marilao, sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang biktimang si Rodel Jasa, 63 anyos, isang engineer, at nakatira sa Villa Grande, Bgy. Lambakin, sa naturang bayan.

Ayon sa anak ng biktima na si Kagawad Mary Del Adan Jasa, dakong 6:40 am kahapon, kasalukuyang nagkakape ang kaniyang ama sa pag-aaring lugawan sa Magallanes St., nang biglang sumulpot ang motorsiklong sakay ang mga suspek na nakasuot ng bonnet at puting maskara.

Kasunod nito ay nag­deklara ang mga kawatan ng holdap sabay kuha sa itim na Kenneth Cole bag ng biktima na hindi agad nakakilos sa pagkabigla.

Matapos makuha ang bag, mabilis na tumakas ang dalawang kawatan sakay ng motorsiklong Sky Drive Suzuki papunta sa lugar ng Lias Road, sa bayan ng Marilao.

Nakulimbat ng mga kawa­tan sa biktima ang halos P300,000 cash, iba’t ibang identification cards (IDs) at ilang importanteng papeles.

Kasalukuyang nagsasa­gawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Marilao Municipal Police Station (MPS) upang makilala ang mga nakamotorsiklong kawatan na nakunan ng CCTV habang papatakas.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *