Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel de Leon, rarampa sa New York Fashion Week

KAYA pala parang biglang nanahimik si Mariel de Leon, Bb. Pilipinas International 2017 at dating walang takot-magsalitang anak ni Christopher de Leon, ay dahil may ilang buwan na rin siyang nasa New York City sa Amerika.

At wow, fashion model na pala siya sa nabanggit na napakasosyal na syudad!

Nag-uumapaw sa tuwa si Mariel na nag-post sa Instagram n’yang @marieldeleonofficial ng litrato n’yang nakasuot ng blackbody suit bilang isa sa mga modelo ng Skims, ang shape wear brand na produkto ng napakasikat na model/media personality na si Kim Kardashian.

At sa larawang iyon na naka-bodysuit siya, nasa harap n’ya mismo si Kim Kardashian.

Tatlong litrato lahat ang ipinaskil n’ya. ‘Yung dalawa ay kasama n’ya ang iba pang Kardashian  models sa New York Fashion Week na nagsimula noong February 3 at sa February 12 pa magtatapos.

Mahaba ang caption ni Mariel sa mga larawan n’ya, at ‘di siya nagpaawat sa pagsasabing kundi siya nalait-lait noon dahil sa katawan n’ya, hindi siya magsusumikap na pagandahin ang hubog ng kanyang katawan.

Ang magandang hugis ng katawan n’ya ang bale puhunan n’ya na matanggap siyang modelo sa agency na True Model Management sa New York City.

Birada n’ya sa mahaba n’yang caption: “I still can’t get over the fact that I walked for Skims and Kim Kardashian for my first fashion show in NYC! It’s so surreal to think that out of more than 1,000 girls, I was one of the girls chosen to be part of the show. 

”In the past few years, I went through a lot of online bullying and body shaming… But I’m glad that what was perceived as something negative about me to many people was the very thing that got me here.”

Binuksan namin ang Instagram page ni Mariel at batay sa mga post n’ya roon ay wala na siya sa Pilipinas noon pang Agosto 2019.

Noong August 11, 2019 ay nag-post siya ng kuha n’yang litrato sa Sistine Chapel sa Italy. Inamin n’yang panakaw n’yang nakunan ng litrato ang sikat na sikat na kisame ng Chapel na ‘yon na punompuno ng paintings ni Michaelangelo.

Noing October siya unang pumunta ng New York City, at mula roon ay pumunta siya sa Brooklyn, New York, dahil may kapatid siyang lalaki na roon naninirahan.

Noong pangalawang linggo ng Disyembre ay nasa Vallejo, Califirnia na siya na roon siya nag-Pasko.

January 2020 ay sa New York City na siya naninirahan at ibinalita na n’yang natanggap na siya sa isang modelling agency.

Noong mga unang araw ng kasalukuyang buwan lang n’ya ibinalita na rarampa siya sa New York Fashion Week bilang isa sa mga modelo ni Kim Kardashian.

Buhay na patunay si Mariel na ang mga ‘di umaayaw, ‘di sumusuko, ay nagwawagi rin sa paglaon.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …