Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead baby

4-anyos bata, patay sa gulpi nanay, amain arestado

DINAKIP ng pulisya ang isang ina at kaniyang live-in partner matapos mapatay sa gulpi ng ginang ang sariling anak sa bayan ng Norza­garay, sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa ng gabi, 27 Enero.

Sa ulat na ipinadala ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS) kay Bulacan police director P/Col. Emma Libunao, kinilala ang mga suspek na sina Claudine Valdez at Raymar Nugui, kapuwa residente sa Sitio Curvada, Bgy. Minuyan, sa naturang bayan.

Una rito, nabatid sa ulat na dakong 8:00 pm ay isinugod sa pagamutan ng amaing si Raymar ang bik­timang 4-anyos na bata (hindi na pinangalanan).

Idineklarang dead on arrival ang bata ng attending physician sanhi ng malulub­hang pasa at galos sa kata­wan ng biktima.

Lumabas sa imbesti­gasyon ng mga tauhan ng Norzagaray MPS na nag­karoon ng pagkakamali ang bata kaya ginulpi siya ng inang si Claudine sa harap ng live-in partner na si Raymar.

Nang lamog na ang kata­wan ng bata at hindi na kumikilos ay saka ito isinu­god ng stepfather sa paga­mutan ngunit idinekla­rang patay na.

Kapwa inaresto ng pulisya ang live-in partners na kasalukuyang nakakulong sa Norzagaray Municipal Jail at takdang sampahan ng kasong kriminal.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …