Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JaDine, focus muna sa kani-kanilang career at personal growth (sa kanilang paghihiwalay)

HINDI na magdiriwang ng 4th anniversary nila bilang real-life sweethearts sina Nadine Lustre at James Reid sa February 11.

Finally ay umamin na rin ang dalawa na hiwalay na sila. Nagkasundo silang maghiwalay pagkatapos nilang mag-fashion pictorial sa Brazil nitong nakaraang linggo.

“We agreed that going separate ways was best for both of us,” pahayag nila sa Tonight With Boy Abunda noong Lunes ng gabi (January 20) sa ABS-CBN.

Inamin nila na tama ang balita na noong mga huling araw pa ng Disyembre sila naghiwalay pero hindi naman dahil sa “irreconcilable differences” na siyang sinabing dahilan ng unang nagbalita sa paghihiwalay nila.

Lahad nila, ”After quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can.” 

Magkasundo pa rin naman sila kahit ‘di na sila magkasintahan. ‘Yon ang dahilan kaya nakapagtrabaho pa silang magkasama noong bisperas ng Bagong Taon sa isang mall, na nasundan pa ng pagbibiyahe nila sa Brazil.

Alang-alang sa fans ng loveteam nila at sa kompanyang nagbayad sa kanila para sa biyahe nila sa Brazil, nag-pictorial naman sila na parang mag-sweetheart pa rin.

“We are in good terms and are still really good friends and will continue to work with each other especially when it comes to music,” bigay-diin pa ng dalawang artista. 

Recording artist si Nadine ng music company ni James na ang pangalan ay Careless. Nakatakdang gumawa si Nadine ng solo album sa kompanya.

Tiyak na magmamatyag ngayon ang madla sa magiging epekto sa individual career ng paghihiwalay nila.

Gayunman, itutuloy na ni James ang palabas sa serye ng Kapamilya Network na makakatambal si Nancy McDonie ng K-pop group na MomolandThe Soulmate Project na ang titulo ng serye at hindi na Soulmates lang.

Ang ABS-CBN at iWant ang producer ng serye na ididirehe ni Antonette Jadaone mula sa sarili n’yang script.

Maliban sa album na ipoprodyus mismo ni James, wala pang ibinabalitang pagkakaabalahan si Nadine.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …