Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpaparunggit ni Gabby kay Sharon, tigilan na

BAKIT kaya ayaw mag-react ni KC Concepcion sa social media reports na si Apl. De. Ap. ang latest na boyfriend n’ya?

May bago na kaya siyang personal policy na itigil na ang pagbabalandra ng lovelife n’ya sa madla sa pamamagitan ng social media?

Bagama’t nakakapagpasigla sa showbiz ang pagbubuyangyang sa social media ng mga artista at dating artista tungkol sa lovelife nila, parang ‘di naman nakatutulong ang social media posts nila para tumibay ang mga relasyon nila.

Paparating si Apl. De. Ap. sa Pilipinas para maging judge sa The Voice Philippines-Teen Edition ng Kapamilya Network. Baka naman kaya lang may nakaisip i-link ang Fil-Am rapper kay KC ay dahil papunta nga si Apl. dito. Kay KC ini-link ang sikat na sikat na Fil-Am rapper dahil public knowledge na biglang wala nang boyfriend si KC, isang buwan lang pagkatapos n’yang mag-post ng mga larawan nila niyong boyfriend n’yang French film maker (na mahigit 10 taon yata ang tanda sa kanya) na mistulang nagha-honeymoon sila sa Palawan at later on, pati sa ibang bansa.

Parang ‘di naman nag-post si KC ng kahit ano man para bigyan ang madla ng idea kung bakit biglang natapos ang relasyon nila. Hinayaan n’yang maging mahiwaga ang lahat.

Parang may hidwaan ngayon ang mag-inang KC at Sharon Cuneta. Wala naman sigurong kinalaman ‘yon sa misteryosong pagbi-break nina KC at niyong French man na gustong-gusto ng ina para sa kanyang anak na sa tingin n’ya ay halos matandang dalaga na (dahil lagpas na si KC sa edad na 30 pero ‘di pa ikinakasal kahit kanino).

Ang hidwaan ay napuna noong nag-post si Sharon na ‘di nag-celebrate ng New Year’s eve sa piling nila ang dalaga. Napag-alaman n’yang sa pamilya nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa (kapatid ng yumaong ina ng megastar) nag-New Year’s Eve si KC.

Nag-post si Sharon sa Instagram n’ya na nakikiusap sa anak na huwag lumayo sa kanya at sa mga kapatid n’ya sa ama. Nakiusap siyang bumalik na si KC sa kanila at sa kanya.

Inamin ng panganay na si Frankie, panganay na anak nina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan, na sa ngayon ay mas nakikipag-communicate si KC sa kanya kaysa kanilang ina. Ayaw ni Frankie na magpahayag tungkol sa kung ano mang nagaganap kina Sharon at Frankie bilang mag-ina.

Pero mistulang nakikilahok sa hidwaan ng mag-ina ang biological father ni KC na si Gabby Concepcion sa pamamagitan ng mga mahihiwaga n’yang posts sa Instagram.

Heto ang ilang halimbawa ng mga post ni Gabby: “You’re not being selfish for wanting to be treated well. Remember that.”

“Unconditional love does not mean unconditional acceptance of bad behavior.”

Nag-post din si Gabby tungkol sa pagkakaroon ng peace of mind kung hindi tutugon sa mga paskil sa social media ng mga tao na negatibo.

May netizen din na nag-post ng screenshot ng pag-LIKE ni Gabby sa mga comment ng mga tao na kailangan ng suporta ni KC sa desisyon nitong dumistansiya muna sa ina.

Sana ay mag-usap privately ang mag-ina, at sana rin at tigilan ni Gabby ang pagpo-post ng mga mensaheng parang parunggit sa ex-wife n’ya. Huwag sana silang malinya sa pamilya Barretto na halos ang buong 2019 ay ginugol sa pagbabangayan sa social media at maski sa pribadong buhay nila.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …