Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dani, ‘di pa rin napapatawad si Kier; Apo, ‘di pa ipinakikita

MUKHANG sinasadya ni Dani Barretto, panganay na anak ni Marjorie Barretto, na pasakitan ang ama niyang si Kier Legaspi.

Kamakailan, ipinakita n’ya ang may ilang buwan pa lang anak na si Millie sa ina ni Kier (Hershey Legaspi, byuda ng aktor na si Lito Legaspi noong September 8, 2019) at sa pamilya ng kuya ni Kier na si Zoren at sa pamilya nito.

Parang wala talagang balak si Dani na ipakita ang baby n’ya kay Kier. Kahit sabihin pang hindi n’ya alam kung saan nakatira si Kier at ang pamilya nito, dahil anim na taon na silang walang komunikasyon, tiyak alam ni Zoren kung paano makokontak ang nakababatang kapatid.

Alam n’yo na sigurong hindi inimbita ni Dani ang ama niya noong ikinasal kay Xavi Panlilio last year. Katwiran ni Dani, ‘di naman malaki ang nagawa ni Kier sa pagpapalaki sa kanya. At ang ina lang n’yang si Marjorie ang maitutururing n’yang magulang, si Marjorie ang pinili n’yang maghatid sa kanya sa altar.

Kadalasan, nagiging mapagpatawad ang mga babae ‘pag naging ina na sila, lalo na sa mismong araw na nagsilang sila. Sinasabing ang bawat babaeng nagsisilang ay nasa hukay ang isang paa, kaya’t itinuturing nilang pangalawang buhay na ang matagumpay nilang pagsisilang.

Parang ‘di nga totoo ‘yon sa kaso ni Dani.

Okey na rin sana ang pagdadala n’ya sa anak n’ya sa lola nitong si Hershey at kay Zoren, pati na sa pamilya nito.

Pero hindi na n’ya dapat ibinuyanyang ‘yon sa Instagram n’ya at natunghayan ng maraming tao. Magiging pasakit ‘yon sa ama n’ya. Mistulang pang-iinsulto ‘yon.

May negative karma ang ‘di pagpapatawad, ang pagmamalaki, pagkimkim ng sama ng loob.

‘Di kaya takot si Dani sa karma?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …