KUNG hindi naman pala sila hiwalay ni James Reid, bakit ‘di ipaliwanag ni Nadine Lustre nang payapa ang Instagram pics and captions n’ya last week tungkol sa kalungkutan ng pag-iisa na pinatulan din ng kapatid na babae ni James?
O teaser pics and captions lang ba ang mga ‘yon para sa kung anumang produkto? Kung teaser lang, bakit ‘di iginiit ‘yon ni Nadine?
Ang ilang bahagi ng kolum ni Ricky Lo ay quotes mula sa mga naglulungkot-lungkutang Instagram posts na ‘yon ni Nadine. So, mali ang bulalas ng aktres na, “none of what you wrote was true.”
Ang katoto sa panulat na si Jojo Gabinete ang unang nag-ulat (at bale “nanggulat” na rin) tungkol sa umano’y pag-aalsa-balutan ni Nadine mula sa bahay ni James sa Loyola Heights, Quezon City, na dalawang taon na silang nagli-live-in.
Dahil sa Instagram posts na ‘yon ni Nadine tungkol sa lungkot ng pag-iisa kaya kapani-paniwala ang “balitang” nilayasan (o pinalayas?) ni Nadine si James.
Habang isinusulat namin ito, walang reaksiyon si Lo (kolumnista at entertainment editor ng Philippine Star) sa reaction post naman ni Nadine na ang pahayag ng aktres na walang pelikula at wala ring TV show ay: “First off, that was so low.”
Sinundan agad ‘yon ng: ”Second, none of what you said was true and it is never okay to use someone’s mental situation/tragic past just to prove a point. Mental illness is a very sensitive matter.”
Sweet si Lo sa ‘di pagri-react kay Nadine at ‘di pagbubuyo sa aktres na idemanda siya nito para lumabas ang katotohanan.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas