TOTOO nga kayang si Baron Geisler na mismo ang humiling kay Coco Martin na tanggalin na lang muna ang papel n’ya sa FPJ’s Ang Probinsyano para makapagpa-rehab muna siya muli sa loob ng ilang buwan?
Napapabalita rin kasi na parang bumabalik si Baron sa pagiging alcoholic na nag-uudyok sa kanya na maging barumbado at pala away.
Kung totoo ang bali-balita, ibig sabihin ay dapat pagtuunan nang pansin ng mga nangangasiwa sa show ang rekomendasyon ng isang netizen para ‘di magumon muli sa alak si Baron.
Mungkahi ni Adora Sangalang Poblete: “The showbiz industry should give him [Baron] a good character so he can enhance his innerself as part of his therapeutic management.
“Everybody knows what Baron had been through. Giving him a ‘bad boy’ character will not help him to change. nor himself will still focus on what had happened in his life.
“In his role in Ang Probinsyano as a brutal murderer, alcoholic does not give him chance to change because he needs to enhance more the bad in him.”
Sa totoo lang, kung itatanong n’yo sa mga clinical Psychologist, sasabihin nila sa inyo na nakaaapekto talaga sa kamalayan at personalidad ng mga artista ang klase ng role na paulit-ulit nilang ginagampanan, o napakatagal nilang ginagampanan, gaya ng sa isang teleserye. Hindi nila namamalayan na unti-unti na silang nagiging ang karakter na ginagampanan nila.
May mga artistang babae na naka-ilang ulit nang magpalit ng mister at may mga anak na iba-iba ang ama. ‘Pag binalikan natin ang mga papel nagampanan na nila, madidiskubre nating madalas silang gumanap sa papel nangalunya sila.
(DANNY VIBAS)