Sunday , November 17 2024

Sharon, pagod na, iiwan na ang showbiz

DINAMDAM nang husto ni Sharon Cuneta ang pagpayag nila ng mister n’yang si Sen. Kiko Pangilinan na mag-aral sa Amerika ang panganay nilang si Frankie (na tinatawag din nilang Kakie) at iniwan na nga nila roon na mag-isa ilang araw lang ang nakalipas.

Noong hatinggabi ng Lunes (Sept. 2), ipinagtapat ni Sharon sa kanyang Instagram (@reasharoncuneta) kung gaano kabigat sa dibdib nilang mag-ina ang paghihiwalay nilang iyon. Nag-post siya ng litrato nilang mag-ina na nakasubsob sa kandungan n’ya ang anak.

Sa simula ng mensahe ng megastar, ang iyakan lang nilang mag-ina ang binabanggit n’ya, pero biglang matutuon ‘yon sa plano na n’yang mag-retire sa showbiz para mapaglaanan ng sapat na panahon ang mga anak.

Heto ang pambungad n’ya: “I couldn’t talk about how it was when Kakie and I said our goodbyes. This is all I can share with you. Taken [the picture] a few minutes before I left for the airport. I had asked her to not take me downstairs and see me leave the hotel, so the goodbyes were in the room, where I was trying so very hard to hold back my tears. I left her by our room’s door, then she closed it and stayed inside. I walked to the elevator and let go of my tears. 

“Then while I was waiting for the lift to come up to our floor, she ran from the room to me and we hugged each other one last time, our tears freely flowing now, then I told her to run back to the room before I entered the elevator. It was a painful goodbye…”

Pero pagkatapos lang ng ilang pangungusap tungkol kay Kakie, biglang iba na ang tinatalakay n’ya. Biglang pagtatapat n’ya: “Since last year l have seriously been thinking of semi-retiring. I am so very tired. It has been 41 years of work, work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili na ‘tama na.’ When will it ever be enough?”

Pero parang mahihimas-masan din siya, at parang biglang kumambyo. Patuloy n’ya: “Sometimes you just have to put your foot down and say it’s okay, and it’ll all be okay. Maybe I’ll do a concert here and there every once in a while, or a movie that I feel will really be worth the few months it’ll take me away from my home and family.”

At biglang kinausap n’ya ang fans n’ya: “Sinasabi ko na sa inyo ito, mga mahal kong Sharonians. Mahal na mahal ko kayo…pero pagod na rin si Mama…Di naman siguro ako biglang forever na mawawala…pero konting-konti na lang siguro ang kakayanin kong ibigay until magpahinga na ako at i-enjoy naman ang tinatawag na private life na alam ng karamihan pero tungkol saan kokonti lang ang alam ko…

“I know you will all understand. I love you all and this has nothing to do with Kakie leaving. Like I said, last year ko pa naiisip at nararamdaman ito, at kinausap ko na rin ang pamilya at manager at team ko noon pa tungkol dito. I love you all so much, and I will try my very best to give you the best of me before I say goodbye. God bless us all. Goodnight everyone.

Seryoso na kaya ang megastar na gawin na lang secondary sa buhay n’ya ang showbiz na kinalakihan n’ya? ‘Di na kaya n’ya hahanap-hanapin ang mga palakpakan, ang mga hiyawan, ang mga publicity, at promo?

Magpapaka-ina at maybahay na ba ang megastar? ‘Di na siya maghahangad ng reunion movie with Gabby Concepcion?

Abangan ang susunod na kabanata sa buhay ng megastar!

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *