Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iza, ibinando ang mga kamot sa tiyan

NAG-POST si Iza Calzado sa Instagram n’yang @missizacalzado kamakailan ng litrato n’yang naka-bikini siya at kita ang mga cellulite, stretch mark, at loose skin sa katawan at hita n’ya.

Naghahanda na ba siyang mag-quit sa showbiz at maging dakilang housewife at plain Mrs. Ben Wintle na lang?

O gusto na ba n’yang maging ang komedyanteng Pinay na may pinakamagandang mukha? Gusto na ba n’ya ng kakaibang career move?

Hindi ang implied na sagot n’ya sa mga tanong na ‘yan.

“Self-love journey” nga ang tawag n’ya sa ginawa n’yang paglalantad ng ‘di-kahanga-hanga n’yang katawan (na siyang dahilan kung bakit balot na balot siya kung humarap sa madla!)

At ang isang ibig sabihin ng “self-love” ay ang pagyakap sa lahat ng kakulangan niya (sa Ingles: embracing her flaws).

Deklara ng mahusay na aktres: “I no longer want to hide these [the flaws in her body] behind digitally distorted images because, truth be told, this reduces the pressure of trying to look perfect in every picture.”

In short, at sa Tagalog: magpapakatotoo na siya.

Natuwa naman ang ilan sa kapwa celebrity n’ya sa paglalantad ng ‘di-perpektong katawan.

Sumagot sa pahayag n’ya sina Isabelle Daza, Bela Padilla and Dani Barretto na ano mang diperensiya ng katawan n’ya, napakaganda pa rin n’ya.

Sina Ryan Agoncillo at Direk Antoinette Jadaone naman ay naglagay ng emojis bilang pagsang-ayon sa pasya n’yang ilantad ang imperfections ng katawan n’ya.

Pero idinagdag naman ni Iza na patuloy siyang gagamit ng “lighting, shadows, and angle” sa mga pictorial n’ya dahil hindi naman “digital distortion” ang paggamit ng mga ‘yon para magmukha siyang sexy.

Ano naman kaya ang masasabi ng mga artistang ipinapa-photoshop ang mga litrato nila para magmukhang perpekto ang bawat bahagi ng katawan nila? At sa totoo lang, madalas na deretsahang binubuko ng netizens ang pandaraya sa mga litratong ipino-post nila!

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …