Sunday , November 17 2024

Supporting actress sa Ang Probinsyano, bida sa Kundiman Party ng PETA

TAPOS na ang eleksiyon, bagama’t habang isinusulat namin ito ay wala pang final results kung sino-sino nga ba ang mga tunay na nagwagi sa bilangan. Alam naman natin na rito sa Pilipinas, mas mahiwaga ang bilangan ng boto kaysa mismong botohan.

Pero ano man ang maging resulta ng halalan, siguradong ang dapat maging kasunod niyon ay pagpapasigla ng pagmamahal natin sa ating bayan. Tapos na ang pamumulitika, pangangarinyo para sa boto, at ang kalagayan na ng bansa ang dapat asikasuhin. Posibleng sa ilang linggo lang ay magsimula na ang mga inihalal natin na kalimutan ang bansa at ang sambayanan.

At sa usapang pagmamahal sa bayan, mukhang ang mga pagtatanghal sa teatro ang tumutugon.

Muling ipalalabas sa PETA Theater Center ang semi-musical na Kundiman Party na unang itinanghal ng Dulaang UP (University of the Philippines) noong nakaraang taon. Ayon mismo kay Floy Quintos na may akda ng dula, hindi lang tungkol sa mga tradisyonal na awiting Pinoy na kundiman ang dula kundi sa pagmamahal sa bansa.

Sa press conference sa side lobby ng Philippine Educational Theater Association para sa Kundiman Party kamakailan, ipinagtapat ni Floy na sinimulan n’yang isulat ang dula isang gabing matindi siyang nag-alala tungkol sa kina­buka­san ng bansa at sa mamamayan nito.

Batid n’ya ang mga suliranin ng bansa, at alam din n’yang mistulang ipinasasakop na tayo sa China. Posibleng maglaho na tayo bilang bansa, pati na ang ating kultura. Nakababagabag nang husto ‘yon para sa napaka-nationalistic na theater artist na Philippine art expert din.

Tiyak na maiibigan n’yo ang Kundiman Party dahil ang pangunahing bituin nito ay si Shamaine Centenera-Buencamino na gumaganap na ina ni Yassi Pressman sa FPJ’s Ang Probinsyano na sukdulan na ang kasikatan sa buong bansa.

Nasa cast din ng Kundiman Party ang mister ni Shamaine sa tunay na buhay na si Nonie Buencamino. Pero ‘di mag-asawa ang papel nila sa Kundiman Party bagama’t magkukrus din ang mga landas nila. Isang senador ang papel ni Nonie, samantalang si Shamaine ay isang retired top opera singer na private tutor sa pag-awit ng kundiman. Magkahalong millennials at matrona ang mga estudyante n’ya.

Sikat na rin naman sa showbiz si Nonie dahil sa rami ng nalabasan n’yang teleserye sa dalawang higanteng networks na Kapamilya at Kapuso. Marami na rin siyang nalabasang mainstream at indie films. Ganoon din naman si Shamaine.

May ilang theater productions na rin naman na nagkasama silang mag-asawa at sa ilan doon ay magkatambal sila. Hindi naman sila packaged deal sa mga proyekto nila. Tiyak na alam n’yo nang sa Ang Probinsyano, ang gumaganap na mister ni Shamaine ay si Joel Torre na noon ay gumaganap din sa entablado.

Sa dalawang weekends na magsisimula sa May 24 na ipalalabas sa PETA Theater ang Kundiman Party na idinirehe pa rin ni Dexter Martinez na siya ring nagdirehe ng pagtatanghal sa UP.

Samantala, alam n’yo bang may isa pang mag-asawa sa tunay na buhay ang magkasama sa isang theater production pero ‘di bilang mag-asawa? Ang mga ito ay sina Sheila Valderrama at Lawrence Martinez. Si Sheila ang pangunahing bituing babae sa Binondo: A Tsinoy Musical na sa The Theater at Solaire uli ipalalabas sa Hulyo. Gaya ng Kundiman Party, repeat runs din ang Binondo na sa Solaire rin itinanghal last year.

May kinalaman din sa pagmamahal sa bayan ang Binondo kahit na love triangle story ito na kinasasangkutan ng isang Pinay na night club singer, isang Filipino-Chinese na may kaya sa buhay, at isang mayamang binatang Chinese na mula sa China pero panandaliang maninirahan sa Pilipinas at mai-in love sa isang Pinay.

Si Sheila ang gaganap na night club singer, si Arman Ferrer ang taga-China, at si Noel Rayos ang Tsinoy. Isa si Lawrence sa performers sa night club at miyembro rin siya ng chorus sa pagtatanghal. Maraming ‘di pa nakaaalam na si Lawrence ay anak ng actor-comedian na si Leo Martinez pero hindi si Gina Valenciano (kapatid ni Gary) ang ina.

Actually, may real-life step-brother si Lawrence sa cast ng Binondo, si Kahlil Caimo. Pareho sila ng ina na rating stage actress at nakapag-asawa ng isang stage actor na naging GMA 7 newscaster sa paglaon. ‘Yon ang ama ni Khalil. 

Panahon na rin naman para pasiglaghin ang appreciation natin sa mga kababayan nating may dugong Tsino lalo pa’t nari-realize natin ngayon na ‘di naman sila kagaya ng mga dumaragsa sa Pilipinas ngayon mula sa China at inaagawan ng hanapbuhay ang mga kababayan natin, pati na nga ang mga Tsinoy. Mahalin natin at pahalagahan ang mga Tsinoy na kabilang sa economic and cultural force ng Pilipinas.

Sa July pa itatanghal muli ang Binondo: A Tsinoy Musical sa direksiyon pa rin ni Joel Lamangan. Magsimula na kayong mag-ipon ng pambili ng ticket. At abangan ang iba pa naming tsika tungkol sa pagtatanghal.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *