PARANG interesado rin naman si Nadine Lustre na gumanap na Darna, pero hindi naman siya pumopormang atat na atat na mapunta sa kanya ang role na bale tinanggihan na ni Liza Soberano dahil sa payo ng doktor n’ya.
Mahihirapan ang contract star ng Star Cinema na girlfriend ni Enrique Gil na gawin ang mga stunt ng pelikula na maraming action scenes dahil crime-fighting superheroine ang legendary komiks character na Darna.
Alam naman ni Nadine na naghahanap ang Star Cinema ng ipapalit kay Liza at isa nga siya sa mga ikinukonsidera. Pahayag n’ya sa isang media event kamakailan para sa isang brand ng sapatos na ineendoso n’ya: “Oh, my God, I’ve heard about that! I’m really happy that they (Star Cinema) are very supportive (of me). But I know naman that the role is going to be given to someone who’s deserving and someone who can do it.
“I mean, it doesn’t have to be me. It just has to be someone who can give justice to the role.”
Tiyak na sanay na kayo sa pagiging Inglesera ni Nadine dahil Fil-American ang live-in partner n’yang si James Reid.
Nang deretsahan siyang tanungin kung willing siya na maging Darna, ang sagot n’ya ay: ”I don’t know. It depends. I don’t really like saying that I don’t want to do it or not because mapupunta talaga ‘yan sa kung sinong deserving niyong role na ‘yun.”
Pero nilinaw n’yang walang teleserye na nakatakdang gawin n’ya sa panahong ito. Pagbabahagi n’ya: “But I do have a film coming soon. It’s called ‘Indak.’ It’s parang a dance musical. I’m working with Sam Concepcion on this one. I’m doing movies this year, so parang same lang naman siya. I’m still acting.”
Oo nga naman. Hindi siya laos, hindi naman siya tuluyan nang nawalan ng hanapbuhay dahil lang hindi naging hit ang pelikula n’yang Ulan na naibigan naman ng maraming reviewers.
Nakatutuwa rin naman na napaka-level-headed ni Nadine Lustre.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas