Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, may sagot sa mahaderang fan

NAKATIKIM ng taray ang isang mahaderang netizen mula sa basically ay sweet naman na si Liza Soberano.

Mahirap limiin kung fan o basher ng lead actress ng Alone/Together ang netizen na ‘yon. Kung fan siya, bakit ang taray naman n’yang magsermon sa girlfriend ni Enrique Gil. 

Napag-alaman ng netizen na nagbabakasyon sa Bali, Indonesia si Liza, kasama si Enrique, at isang nakababatang kapatid ni Liza. Double-celebration nila ‘yon para sa tagumpay sa takilya ng Alone/Together at ng birthday ni Enrique noong March 30. Nabatid ng netizen ‘yon mula sa mga litratong ipino-post ng aktres sa kanyang Instagram.

Nag-comment ang mahaderang netizen na: ”Vacation is over na. Hope you focus now on Darna. You badly need to go back to the gym and re-train for stunts, martial arts, etc. Sana makita ko ulit ang drive mo sa career mo. Nawawala ka sa focus.”

Ipinadala rin ng netizen ang comment n’yang ‘yon sa Star Magic, handler ni Liza na si Monch Novales. Parang hindi naman pinansin ‘yon ni Monch.

Si Liza ang deretsahang sumagot na: ”Who are you to tell me when vacation is over? 

My managers allowed me and so did my bosses. I’ve been working hard for my family since I was 12. I think I deserve the time I get off.”

Mataray ba ‘yon o prangka lang?

Para sa amin, prangka lang. ‘Di mataray.

Twenty-one years old na si Liza, kaya dapat lang din naman na marunong at walang-takot na siyang magsalita para sa kanyang sarili.

At dapat lang naman din na ilagay sa tamang lugar nila ang mga nagmamahaderang netizen para matututo silang rendahan ang mga matatalim na dila nila.

Samantala, parang matutuloy naman ang Darna ni Liza na nasimulan na n’ya noon sa direksiyon ni Erik Matti, na nagpasyang i-give up ang project. Pero ipinasa na ng Star Cinema ang project sa isang napakahusay din namang direktor: kay Jerrold Tarog, ang namahala sa naging sikat na sikat na historical films na Heneral Luna at Goyo: Batang Heneral.

Ayon sa Star Cinema, may mga ina-update pa si Direk Jerrold sa script ng Darna at nag-a-assemble na ng artistic and technical team n’ya.

Inia-announce rin ng ABS-CBN News website na ang Darna ay malamang na maging isa sa mga kauna-unahang project ng Star Cinema na isusyuting sa bagong soundstage facility ng ABS-CBN sa  San Jose del Monte City, Bulacan. Pang-Hollywood ang teknolohiya sa nasabing production facility.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …