PAGLULUTO ng chicken-pork adobo at sinigang ang isa sa mga natutuhan ni Gerald Santos habang nasa London at gumaganap siyang Thuy sa Miss Saigon (na tumagal ng dalawang taon).
Oo nga pala, alam n’yo na sigurong narito sa Pilipinas sina Gerald at Aicelle Santos mula sa halos isang taon na pamamalagi sa London, England at sa iba pang European countries (gaya ng Germany at Switzerland) bilang miyembro ng International touring cast ng napakasikat pa ring Miss Saigon (na sa London talaga nagsimula, mga 20 taon na ang nakararaan).
Ang bait ni Gerald. Dumating siya sa bansa Martes ng gabi at kinabukasan ng tanghali ay humarap na siya sa ilang media people sa Oriental Palace sa Morato Avenue, QC. Hindi naman siya mukhang pagod at puyat. Ang saya pa nga n’ya at napaka-warm sa press people.
Sa London, may sarili siyang kuwarto pero may roommate siyang Thai na member din ng cast. Kaysa lagi siyang kumain sa labas ng breakfast at lunch, natuto siyang magluto ng mga sarili n’yang ulam. At dalawa nga sa mga natutuhan n’ya ay ang pagluluto ng adobo at sinigang.
Pero hindi naman ‘yung Thai roommate n’ya o isang British ang nagturo sa kanya. Tumawag siya sa mga kamag-anak o kaibigan n’ya sa Pilipinas para makapag-adobo siya at sinigang.
“May Asian stores naman sa London na nabibilhan ng mga rikado, pero siyempre pa, ako pa rin mismo ang pupunta sa Asian stores para bilhin ang lahat ng kailangan.
“Noong first week ko sa London, pinroblema ko talaga kung paano ako mabubuhay doon na ako ang gagawa ng lahat na dapat kong gawin kung gusto kong kumain na parang nasa Pilipinas pa rin ako,” kuwento n’ya sa Pinoy na Pinoy pa rin n’yang pagsasalita. Paminsan-minsan lang talaga siya nag-i-Ingles sa accent na Asian pa rin.
“Actually, I learned not only how to survive performing in a musical every day but how to survive on my own. Walang PA (production assistant), walang manager, wala lahat!” lahad n’ya.
Ang puti n’ya. Mas maputi siya kaysa rati. At mas guwapo. ‘Di siya nangayayat at ‘di rin siya tumaba. Bulong naman sa amin ng manager n’ya sa Pilipinas na si Cocoy Ramilo: ”Nagdyi-gym siya several days a week saang bansa man sila nagpe-perform. Bumili siya ng card na pang-international na for gym use lang. Sa Pilipinas pa lang naman alam na n’ya kung anong mga equipment ang kailangan n’ya to keep his body in shape.”
He’s back, pero agad dig pumunta sila ng manager n’ya sa Thailand at sa Vietnam. Liwaliw lang ‘yon for 11 days. Ang dalawang bansang ‘yon ang pinili ni Gerald para makapag-bonding pa rin siya sa mga nakasama n’yang Thai at Vietnamese actors.
At dahil nga aalis sila kaya nakipag-meet agad sa press si Gerald. (Baka ipa-press conference din ng GMA 7 si Aicelle, dahil Kapuso talent pa rin naman siya.
Isa si Aicelle sa guests ni Gerald sa Homecoming concert n’ya sa May 4 sa The Theater at Solaire. Bigtime na siya kung mag-concert. After all, international star na rin siyang matatawag. Bago siya pumunta sa London ay sa SM Skydome lang siya nag-concert.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas