Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, mangunguna sa paglilinis ng karagatan

SERYOSO pala talaga si Nadine Lustre na makiisa sa pag-aalaga sa  karagatan.

Willing talaga siyang maglaaan ng oras sa advocacy na ito.

Nitong nakaraang Sabado lang, nag-time-out muna si Nadine sa pagpo-promote ng upcoming movie n’yang Ulan para makasampa at makaikot siya sa Rainbow Warrior na isang barko ng international environmental group na Greenpeace na kasalukuyang nakadaong sa Maynila.

Layon ng Rainbow Warrior na magbigay ng kamalayan sa publiko tungkol sa problema ng polusyon sa karagatan. Nakipag-usap si Nadine sa mga nangangasiwa at empleado para maging pamilya siya sa mga aktibidad ng Rainbow Warrior, ayon sa ulat ni MJ Felipe sa ABS-CBN News website.

Ayon pa rin sa report, ibinahagi ni Nadine kung ano ang maaari niyang maiambag sa adbokasiya.

“I think my biggest contribution is awareness. I know I have a lot of followers and a lot of people check my Instagram, my social media, so I can help spread awareness.” Ipinagtapat niya na siya mismo ay naging saksi kung gaano napababayaan ang mga karagatan sa bansa.

“I was upset kasi nasa bangka kami, ang dami kong nakikitang trash na nagfo-float lang sa water, so I was so upset kasi ‘di ko siya kayang pulutin,” pagtatapat ng aktres.

Idinagdag n’yang hihikayatin niya  ang nobyong si James Reid na makilahok din sa adbokasiya para mas marami pang kabataan ang mahikayat nila na pangalagaan ang karagatan.

Sana nga’y ang daang libong fans nila ay matutong huwag kalatan ng basura ang mga dalampasigan at karagatan sa kani-kanilan bayan.

Sana nga’y maging ang iba pang kabataang showbiz idols ay manawagan din sa fans nila na respetohin ang karagatan at huwag gawing basurahan!

(DANNY VIBAS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …