Sunday , November 17 2024

Korina, super enjoy sa pag-aalaga sa kambal

GAANO karami kaya ang naipon ni Korina Sanchez na advanced episodes ng kanyang well-followed news magazine show na Rated K sa Kapamilya Network?

Alam n’yo na sigurong halos isang buwan na sa US ang mag-asawang Korina Sanchez at senatorial candidate na si Mar Roxas. At batay sa mga ibinabalita ni Korina sa Instagram posts n’ya, parang ‘di siya nagmamadaling makabalik sa Pilipinas.

Alam n’yo na sigurong parang isang milagrong nagkaanak ng kambal somewhere sa America ang mag-asawa? At ang paghihintay sa pagluluwal ng isang foster o surrogate mother sa kambal na sanggol ang lihim na dahilan kung bakit isang araw ay walang kaabog-abog, walang paliwanag sa madla na bigla silang sumugod doon at pagkalipas ng ilang linggo ng pamamalagi roon ay bigla na lang nilang ibinalita sa pamamagitan ng IG na may anak na silang kambal, isang babae at isang lalaki.

Alam n’yo na bang Pepe at Pilar ang ipinangalan (o baka ipinalayaw lang) sa dalawang sanggol na naging anak nga nila sa pamamagitan ng method na kung tawagin sa Ingles ay “surrogacy”?

Ibig sabihin niyon ay ang mga punlang bumuo sa dalawang sanggol ay nagmula kina Korina at Mar at nang nag-unite at na-fertilize sa isang test tube ay inilagak sa sinapupunan ng isang foster mother para tuluyang mabuo bilang sanggol.

Mas maraming ipino-post si Korina na litrato n’ya kasama ang kambal kaysa mga litratong si Mar ang kumakarga o nag-aasikaso sa dalawang sanggol. Walang lumabas na litrato ni Mar sa social media na bumalik na siya sa Pilipinas at sumama na uli sa pangangampanya ng partido n’ya bilang senatorial candidate.

Kung hindi pa bumabalik sa bansa ang mag-asawa at ang kanilang mga sanggol, baka dahil hinihintay nilang mag-ilang buwan pa ang mga ‘yon para maging safe na safe ibiyahe hanggang Pilipinas. Posible ring inaayos pa ang birth and travel documents ng mga sanggol na ang nagsilang nga ay hindi mismo si Korina. Tiyak na may mga dokumentong kailangan ng approval ng mga awtoridad para mailabas ng USA ang mga sanggol na automatic na American citizens. Sooner or later, tiyak na maiuuwi rin nila ang mga supling nila sa Pilipinas.

Samantala, abalang-abala at masayang-masaya si Korina sa kanyang mga anak. Parang ‘di nga n’ya nami-miss ang Pilipinas at ang exciting na trabaho n’ya sa media. May kanya-kanya namang yaya ang mga sanggol, pero may mga oras siguro na off-duty na sila at ang mag-asawa na mismo ang nag-aalaga sa dalawang sanggol. Alam n’yo na sigurong per hour ang bayad ng mga empleado sa America. Maraming yaya ang uwian ang trabaho. Hindi sila kailangang matulog sa bahay ng mga inaalagaan nila.

Very touching ang “pakikipag-usap” ni Korina sa kanilang mga sanggol. Ikinuwento n’ya minsan sa IG post n’ya na sinasabihan n’ya ang mga anak n’ya na lalaki silang malusog at mabubuting tao na matulungin sa kapwa at may makabuluhang buhay.

Tama na sinasabihan ang mga sanggol ng ganoon kagagandang salita para makintal ‘yon sa isipan nila. Rerehistro ang mga ganoong bilin sa subconscious mind nila at magiging bahagi ng personalidad nila sa paglaon.

Posibleng nagmo-monitor si Korina sa TV o sa radyo o sa laptop n’ya ng mga nagaganap sa mundo. At malamang na ‘di n’ya ginagawa ‘yon sa tabi ng mga anak n’ya—hindi lang dahil ayaw n’yang maistorbo ang pagtulog ng mga sanggol kundi para ‘di pumasok sa kamalayan nila ang mga kaguluhang nagaganap sa mundo.

Kung hindi n’yo pa po alam, pumapasok sa kamalayan ng mga sanggol ang essence ng mga tunog kahit ‘di nila naririnig ang mga ‘yon sa paraang naririnig natin. Naaapektuhan sila ng mga ‘yon maging noong panahong nasa sinapupunan pa sila. Kaya pinapayuhan ang mga babaeng nagdadalantao na huwag manood, makinig, o magbasa ng mga nakaririmarim—dahil nasasagap din ng mga sanggol sa sinapupunan ang mga ‘yon at makaaapekto sa kamalayan nila.

May mga nagpapayo pa nga sa mga ina na huwag maglagay sa kuwarto ng mga pelikulang horror o karahasan. Kahit kasi hindi nakasalang sa player ang mga ganoong klaseng pelikula, nadarama ng napakasensitibo pang kamalayan ng mga sanggol ang diwa ng mga CD na ‘yon.

Kahanga-hanga si Korina sa pagiging first-time mother n’ya sa mga sanggol na ‘di siya ang nagdala sa sinapupunan n’ya

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *