Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Mayor’ utak sa Batocabe slay — Duterte (Naulila ng napaslang na pulis sagot ni Digong)

NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa paniniwala ng biyuda ni AKO Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe, na isang alkalde ang nasa likod nang pagpatay sa kongresista.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa burol ni Batocabe sa Daraga, Albay kamaka­lawa ng gabi, na tiyak na tatalunin ang mayor ng hahaliling kandidato kay Batocabe sa mayoralty election sa susunod na taon.

“Sinabi ng widow — I was in — I was still in Davao. Sa news kanina, I was listening before flying in na — Sabi niya, “Mayor, alam mo na alam ko ang kalokohan mo,” sabi ng asawa,” anang Pangulo.

“Kaya sabihin ko na lang rin, “Mayor…” I join the widow. Baka ikaw nga. Kaya may tatakbo as substitute. P****** i** mo, matatalo ka man talaga. Do not try to be desperate and do folly things because you’ll have to deal with the government, the people, the Armed Forces, pati the Philippine National Police. Huwag ka talagang… baka susu­nod ka,” dagdag niya.

Nagbabala rin ang Pangulo sa mga opisyal ng pamahalaan at kandidato na igalang ang mga checkpoint na inila­tag ng mga awtoridad.

Ang sinoman aniyang babastusin ang check­point ay babarilin ng pulis o militar.

“Ang utos ko sa police pati military, p***** i** patayin mo. Subukan natin. Gumawa nga tayo ng kaso minsan. Gawain mo lang rin inutil ‘yung mga sundalo ko, pati police ko, ayaw ninyo paniwalaan, may check­point, hindi kayo mag­para kasi governor ka or mayor ka, p****** i**. Ang utos ko, totoo ‘yan,” sabi ng Pangulo.

“Pag ayaw huminto, makipag-away sa inyo, barilin mo. Iyan lang, simple ‘yan. Wala na tayong arte, human rights, human rights. Iyon ang usapan,” giit niya.

ni ROSE NOVENARIO

NAULILA NG NAPASLANG  NA PULIS SAGOT NI DIGONG

GINARANTIYA ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte sa naiwang mga mahal sa buhay ni SPO1 Orlando Diaz, na hindi niya pababayaan ang pag-aaral at sasagutin ang edukasyon ng naiwang mga anak ng pulis.

Si Diaz ang police escort ng biktimang si AKO Bicol Repre­sen­tative Rodel Batocabe, na kasamang pinaslang nitong nakaraang Sabado sa Daraga, Albay.

Pagtiyak ng Pangulo, gobyerno ang babalikat sa pagpapaaral sa mga anak nang napatay na police escort ni Batocabe sakali mang may naiwang anak habang tiniyak din ng Presidente na pagka­kalooban ng pabahay ng pamahalaan ang naiwang kabiyak ni Diaz.

At kung wala aniyang trabaho ang asawa ni SPO1 Diaz, sinabi ng Pangulo na makipag-ugnayan sa DILG upang mabigyan ng trabaho kasunod nang pagkaka­paslang sa PNP person­nel.

Kahapon ay personal na iginawad ni PNP chief, Director General  Oscar Albayalde sa asawa ni Diaz na si Judy, ang Medalya ng Kadakilaan at tulong pinansiyal.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …