Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Neri Naig Chito Miranda
Neri Naig Chito Miranda

Neri at Chito, ‘di nagpapakialamanan ng negosyo

 

Maganda ring gawing New Year’s resolution ang kasunduan ng mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar, may sari-sarili silang negosyo na hindi nila pinagpapa­kialamanan.

“Siyempre bilang mag-asawa, hati kami sa lahat. Pero naniniwala kami na mas maganda na may kanya-kanya kaming mga business at income. Iyong mga business ni Neri, sa kanya lang ‘yan at wala akong kinalaman doon. Ako rin, may mga businesses at ‘di rin siya nakikialam,” lahad ni Chito sa isang Instagram post n’ya kamakailan.

Pagtatapat pa n’ya, “May properties din kami at hati kami sa mga ‘yun, pero kung siya bumili ng lupa, siya bahala kung ano trip niya gawin sa lupa… at ganu’n din sa mga properties na binili ko. Bahala ako kung ano ano trip ko gawin sa property. Kung gusto ko ibenta, ibebenta ko. Kung gusto niya tayuan ng building ‘yung lupa niya, bahala siya.”

Nilinaw din ng mag-asawa na hindi sila hiwalay. Sa kanya-kanya nilang posts sa Instagram, obvious na maligaya silang nagsasama. Madalas din nilang banggitin sa mga paskil nila ang anak nilang si Miggy (lalaki po siya) na siyang dahilan kung bakit matindi silang nag-iipon ngayon pa lang.

May isa pang dahilan kung bakit napagkasunduan ng mag-asawa na huwag nilang panghimasukan ang isa’isa tungkol sa negosyo.

“Naniniwala rin kami na maganda ‘yung may sarili siyang (Nery) pera at ipon at business,” lahad pa ni Chito. “Para kung may gusto siyang bilhin, kahit ano pa ‘yun, ‘di niya kailangan humingi ng pera. 

“Pero siyempre bilang lalaki, mas gusto ko na sagot ko lahat ng gastos pagdating sa bahay. Siyempre ako dapat ang provider,” pangangatwiran pa ng pamosong bandleader.

Paniniguro pa n’ya, “Pero bilang mag-asawa, suportahan at tulungan kami sa mga project namin. Minsan hihingi siya ng guidance kung ano ang mangandang investment, minsan tinatanong ko rin siya kung ano ang opinyon niya kung may gusto akong pasuking business. It’s not complicated at all.” 

O, di ba magandang New Year’s resolution ‘yan para sa mag-asawa?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …