NAGSIMULA na ba kayong mag-sip ng tungkol sa gusto n’yong maging New Year’s resolution?
Baka gusto n’yong tularan ‘yung “three words to forever” ni Kathryn Bernardo na walang kinalaman sa pelikula niya with Sharon Cuneta at Richard Gomez na ang titulo ay Three Words to Forever.
Ang kay Kathryn ay, “I am sorry.”
“We think that whenever we say sorry, it’s a sign of weakness. For me it’s a sign of strength,” pahayag n’ya kay Boy Abunda sa isang interbyu kamakailan sa Tonight With Boy Abunda sa Kapamilya Network.
Nilinaw ni Kathryn na ang paghingi ng paumanhin ay ‘di dapat na pagpapa-cute lang. Aniya, “It is not right to apologize for the sake of just saying sorry. You should say sorry and then promise you won’t do it again… that you won’t fight about the same thing again.”
Ipinagtapat n’ya na natutuhan n’ya ang pag-a-apologize sa konteks sa relasyon nila ni Daniel Padilla. Dati ay lumalaki ang maliliit na away nila dahil hindi siya humihingi ng paumanhin sa kung anumang nasabi n’ya sa boyfriend n’ya.
Nakapag-sorry na nga si Kathryn kay Daniel kaya’t ibang tao na ang gusto n’ya hingan ng paumanhin at ‘yon ay walang iba kundi ang kanyang ina.
“I am not perfect. More often than not, I am the cause of my mom’s headaches,” pagtatapat n’ya.
Mas masaya, mas maayos, mas payapa ang buhay kapag nagpapatawaran, nagpapasensyahan, at nanghihingi at nagpapaunlak ng paumanhin ang mga tao na magkakahalobilo sa trabaho o sa isang napakapribadong relasyon.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas