MUKHANG magiging maganda ang pasok ng 2019 kay Nadine Lustre dahil tatlong pelikula ang magkakasunod niyang gagawin.
Ang tatlong pelikula ay ang Ulan; ang dance movie na Indak, na directorial debut ng concert director na si Paul Basinillo; at ang Pedro Penduko: The Legend Begins ng Epik Studios. Ito rin ang reunion movie nila ng boyfriend niyang si James Reid.
Bukod pa rito, ang nabinbin na teleserye nila ni James na dapat ay ginawa 3rd quarter ng 2018 ay sisimulan na rin.
Kaya ‘wag mag-alala ang mga tagahanga ng JaDine dahil hindi naman maghihiwalay ang dalawa. Sinusubukan lang ng Viva na bigyan sila ng solo project para magkaroon sila ng pagkakataong makatrabaho ang ibang artista.
MATABIL
ni John Fontanilla