Monday , December 23 2024
Anne Curtis Aurora Yam Laranas
Anne Curtis Aurora Yam Laranas

Aurora ni Anne, hindi basta-basta mananakot

HINDI itinanggi ni Anne Curtis na masaya siya sa pagbabalik-Metro Manila Film Festival. Huling entry ni Anne ay noong 2008 sa pelikulang Baler kasama si Jericho Rosales na release rin ng Viva Films.

Taong 2004 naman ang unang entry ni Direk Yam Laranas na nakasama sa MMFF. Iyon ay ang Sigaw na nagtatampok kina Angel Locsin at Richard Gutierrez. Ang pelikulang ito rin ay naging hit sa Hollywood.

“This is (Aurora) something else, a lot of things have change. And the challenges get bigger and bigger and I’m so excited to show you guys and eventually you will experience the thrill, the ride, the fun, the scares from ‘Aurora,’” sambit ni Direk Laranas na iikot ang kanyang pelikulang Aurora sa mahigit 1,000 pasaherong namatay nang madesgrasya at lumubog ang barkong Aurora. Ilang bangkay ang natagpuan sa baybayin ng maliit na isla malapit dito ngunit marami pa ring katawan ang nawawala. Ang mga pamilya ng mga nawawalang pasahero ay kailangang makituluyan habang patuloy ang search and rescue operation ng coast guard. Ito ang sitwasyong kinakaharap ni Anne sa pelikualng Aurora.

Ang Aurora ay mula rin sa panulat ni Laranas at isa sa mga producer, ang ALIUD Entertainment.

Nang tanungin si Anne kung ano naman ang mae-expect ng audience sa Aurora na hindi nakita sa mga pelikula niyang Sid & Aya (Not A Love Story at Buybust, sinabi ng aktres na, ”Kakaiba naman ang hiningi sa akin dito ni Direk Yam, this is really a breath of fresh air for me to be work with Direk Yam and to be given a role as Leana. Iba ang makikita n’yo rito from cinematography to the music na talaga namang world class. The location, the acting, lahat iba rito. Iba rin siya sa nagawa ko this year kaya sobra akong excited.

“Nagbabalik din ako sa genre ng horror. At ang na-discover ko kay Direk Yam ay isa itong elevated horror.”

Ano naman ang ibig sabihin ng elevated horror?

“Ang dami-dami kasing branches of horror, scares, jump scares ‘di ba?,” unang esplika ni direk Yam na siya ring nagdirehe ng The Road at Abomination. ”When you say elevated horror, this is a clear story driven siya, character driven siya, parang susundan mo ‘yung kuwento at the same time tinatakot ka pero excited kang malaman ‘yung story.”

Patuloy pang esplika ni Direk Yam,”Hindi ‘yung tipong tatakutin ka lang for the sake of takutan. Although nakatutuwa rin naman ang mga ganoon, kaya lang for ‘Aurora,’ we want to elevate. In fact this is not a declaration pero more of a genre type na ini-elevate natin ang story telling but with a horror twist.

“So hopefully, it can also resonates sa inyong lahat na maramdaman ninyo iyong naramdaman namin.”

Sa kabilang banda, ikatlong horror movie na ni Anne ang Aurora. Ang una ay ang Ikalabing 13 Kapitulo (Agosto, 2000) at sumunod ang ‘Wag kang Lilingon (2006).

“I love doing horror films and I love horror films. And it so funny. When we’re shooting the film tinatanong ko kay Direk, ‘hindi ba yung karakter ko ‘yung sumisigaw ng ‘aaaaa’. Sabi niya kakaiba kami roon sa ibang horror film. Experience ang ibibigay namin sa lahat ng manonood ng Aurora.

“This is really something different from other horror films that I’ve done. It’s all about ‘that feeling’ what you’re watching.”

Pinuri din si Anne ni Direk Yam dahil sa kanyang determinasyon at dedikasyon sa trabaho.

Ani Direk Yam, tumanggi si Anne na palitan siya ng kanyang ka-double para sa mga underwater scenes na kinailangan niyang magtagal ng 30 segundo hanggang 1 minuto.

Mapapanood na ang Aurora sa Disyembre 25 at ito ang entry ng Viva Films at Aliud Entertainment sa 2018 MMFF.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *