ISA si Dennis Trillo sa tampok sa pelikulang One Great Love ng Regal Enetratinment na tinatampukan din nina Kim Chiu at JC de Vera.
Ang One Great Love ay mula sa pamamahala ni Direk Eric Quizon at tinatampukan din nina Miles Ocampo at Marlo Mortel. Isa ito sa inaabangang entry sa darating na MMFF 2018 na magsisimula sa December 25.
Bagay na bagay ngayong Kapaskuhan ang pelikulang ito na isang dream-come-true movie project para kina Dennis at JC na kapwa gustong makatrabaho si Kim.
Si Kim ay gumaganap dito bilang si Zyra Paez, isang babae na naniniwala na ang love ang magbubuo at maghahatid sa kanya ng kaligayahan. Si JC si Carl Mauricio, na siyang one great love ni Zyra. Ngunit, dahil sa turbulent past ni Carl, madalas niyang nasasaktan nang hindi sinasadya, ang babaeng mahal niya. Si Dennis naman si Ian Arcano, Zyra’s dependable friend, na eventually ay maiinlab sa kanya.
Sa pelikula, sina Dennis, JC, at Kim ay masusuong sa isang love triangle. Ang buhay ng tatlo ay magkakaroon ng koneksiyon sa istorya na magpapakita na tulad ng lahat nilalang, na naghahanap ng pagmamahal, ngunit sa iba’t ibang pananaw o pamamaraan.
Maraming kaabang-abang na eksena sa pelikulang ito, pati na ang pagsabak ni Kim sa nakakikiliting love scenes.
Samantala, sa presscon ng One Great Love ay nakahuntahan namin si Dennis at dito’y nabanggit niya ang paghanga kay Coco Martin na bida ng FPJ’s Ang Probinsyano, katapat ng show nila ni Dingdong Dantes sa GMA-7 na Cain at Abel.
Dito’y inusisa namin si Dennis na sakaling magkita sila ni Coco, ano ang sasabihin niya?
Saad ni Dennis, “‘Coco congrats sa iyo, bilib ako sa iyo, idol kita kasi marami kang natutulungang tao, artista man o hindi. Gusto ka naming tularan, idol ka namin brother.’”
Game ba siyang maging kontrabida ni Coco? “Gustong-gusto ko iyon, gustong-gusto kong maging kontrabida, dati ko pang sinasabi na ito and dream role ko
Sana, sana ay mangyari iyon,” nakangiting sambit ni Dennis.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio