Friday , April 18 2025

TRAIN 2 ‘raragasa’ sa Enero

WALA nang makapipigil sa pagpapatupad ng ikalawang yugto ng The Tax Reform for Accele­ration and Inclusion (TRAIN) Act sa susunod na taon.

Nagbigay ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa implemen­tasyon ng ikalawang yugto ng TRAIN Law makaraan ilatag sa kaniya ng economic man­agers ang mga dahilan.

Sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diok­no, nakita ng Pangulo ang malaking halagang ibinagsak sa presyohan ng langis sa pandaig­digang pamilihan na inaasahang lalo pang sasadsad pagsapit ng Enero 2019.

Ayon kay Diokno, mula sa pinakamataas na presyong $80 per barrel ng crude oil ay bumagsak ito sa $68 per barrel nitong 29 Nobyembre at nakiki­tang lalaylay pa hanggang $60 dollars per barrel sa 2019.

Gayondin sa presyo ng diesel na mula sa pinakamataas na P49.80 kada litro ay bababa sa P37.76 kada litro sa Enero 2019, kasama ang dala­wang pisong excise tax.

Ang gasolina ay nakikitang babagsak sa P50.82  kada litro sa Enero 2019, kasama rito ang dalawang pisong excise tax mula sa pina­kamataas na presyong P60.90 kada litro.

Ayon kay Diokno, ipinatutupad lamang ni Pangulong Duterte ang TRAIN law.

ni ROSE NOVENARIO

 

INFLATION RATE MAIBABALIK SA 2% — DBM

KOMPIYANSA ang Department of Budget and Management (DBM) na babalik sa dating 2% hanggang 4 % range ang inflation rate pagsapit ng 2019 at 2020.

Sinabi ni Budget secretary Benjamin Diok­no, ito ay dahil humupa na ang presyo ng mga bagay na nagpapataas ng inflation, o pressure sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Diokno, ito ay dahil patuloy ang ginagawang hakbang ng pamahalaan para mabu­husan ng suplay ng pagkain ang merkado.

Ito kasi aniya ang mabilis magpagalaw sa presyo ng mga bilihin, pangunahin na rito ang lagay ng suplay ng bigas, karne, at gulay sa palengke.

Sa ngayon, sinabi ni Diokno na matatag ang suplay ng bigas sa merka­do, at sapat din ang su­play ng karne ng manok at baboy sa mga pami­lihan.

Tiniyak din ng Bureau of Aquatic Resources na sapat ang suplay ng isda sa mga palengke.

Inianunsiyo ng Philip­pine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 6 porsiyento ang inflation rate sa nakalipas na Nobyembre, mula sa dating 6.7 porsiyento noong Oktubre ng kasalukuyang taon.

(ROSE NOVENARIO)

Oposisyon nagbabala
HUWAG MATUWA SA BUMAGSAK NA INFLATION

NAGBABALA ang oposisyon kahapon na huwag masyadong matu­wa sa ipinamalita ng gobyerno na bumaba na ang inflationn bagkus mag-abang aniya sa muling pagtaas nito sa Enero pagkatapos ng implementasyon ng pangalawang yugto ng excise tax sa produktong petrolyo.

“Ang pag-aproba sa implementasyon ng second tranche ng excise tax hike sa ilalim ng TRAIN Law ay isang malungkot na balita para sa lahat,” ani Magdalo Rep. Gary Alejano.

Ayon kay Alejano, bukod sa pagpapaasa sa taongbayan dahil sa urong-sulong na desisyon ng gobyerno sa pagsus­pende  ng excise tax, itinaon rin ito sa panahon ng Kapaskuhan.

“Hindi pa nga tayo nakababangon sa sunod-sunod na pagtaas ng bilihin, dinagdagan na naman ang ating mga pasakit. Para bang binig­yang muli ng krus na papasanin ang mga Filipino,” dagdag ni Ale­jano.

Aniya ang pagtaas ng excise tax sa susunod na taon ay may malaking epekto sa taongbayan.

“Mabigat ito kahit may rollback ang presyo ng petrolyo sa pandaig­digang merkado. Nanini­wala ako na tataas pa itong muli kapag nilimita­han ng Russia at Orga­nization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) ang produksiyon ng petrolyo. Once the price of fuel in the world market surges, the Filipinos will be burdened again,” paliwanag ng mamba­batas ng Magdalo.

May magandang paraan para makalikom ng pondo ang bayan.

“Imbes ipilit ang pagtaas ng excise tax, mas mainam na pag-igihin natin ang tax collection sa Bureau of Internal Reve­nue at Bureau of Cus­toms. The government has unused appropria­tions every year. Hindi excise tax hike ang solusyon at dapat maki­nig ang gobyerno sa hinaing ng mga mama­mayan.

Sa panig ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang pagbaba ng inflation rate ng 6% mula sa 6.7 % ay hindi makabubuti dahil mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin.

Pareho ang pananaw ni Alejano at Villarin na tataas din ang mga presyo kapag ipinatupad na ang pangalawang excise tax sa Enero.

Klaro, ani Villarin, na ang pagtaas ng presyo o inflation ay sanhi ng pagpataw ng excise tax sa produktong petrolyo at hindi sa presyo ng petrol­yo na nasa US$49 kada bariles. (GERRY BALDO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Phililanthropist and Businesswoman na si Ms Cecille Bravo nang ibigay ang …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Sarah Discaya

Kampo ni Sarah Discaya, Mariing Itinanggi ang Anumang Paglabag sa Batas Kaugnay ng Isyu sa British Passport

MAYNILA — Nilinaw ng legal counsel ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na wala …

Blind Item, Mystery Man, male star

Hunk actor suki sa mga political rally kahit ‘di feel ng publiko

I-FLEXni Jun Nardo MAINSTAY na yata ang isang hunk actor na paminsan-minsan eh kumakanta rin sa political …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *