Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Leni: Sikmura bago politika

KINONDENA ni Vice President Leni Robredo ang pilit na pagtutulak ng mga kaalyado ng administrasyon sa charter change, sa gitna ng sanga-sangang problema dala ng TRAIN Law at inflation.

Ayon sa Bise Presi­dente, mas makatutulong sa mga mamamayan kung ibinubuhos ng mga mambabatas ang kani­lang oras sa mga panu­kalang makatutulong upang maibsan ang pabi­gat na dala ng nagta­taasang presyo ng mga bilihin.

Ito ay matapos apro­bahan ng House of Repre­sentatives sa 2nd reading ang isang resolusyon para sa proposed federal constitution, sa parehong araw na pinayagan ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang pagtuloy sa planong pagpapataw ng fuel excise tax sa susunod na taon.

“Malinaw na usap-politika ang mas maha­laga para sa liderato ng Kamara, na ipinakita nito sa pagpasa ng House Resolution na nagtutulak sa Cha-Cha,” ani Ro­bredo.

“Sa aming pag-iikot sa mga pinaka­malala­yong lugar sa ating bansa, iisa ang hinaing ng ating mga kababayan — ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin.”

Dagdag niya: “Ngu­nit kitang-kita na hindi ito ang nais tutukan ng administrasyon: delayed na nga ang ayuda para sa mahihirap, binawi pa ang suspensiyon ng fuel excise tax sa January 2019 — at ngayon ipinagpipilitan ang kagustuhang bagu­hin ang sistema ng pamahalaan.”

Ayon kay Rep. Vicente Veloso, pinuno ng House committee on cons­titutional amendments, ang pagtutulak nila sa nasabing panukala ay bahagi ng pagtupad sa agenda ng admi­nistra­s-yon.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na kabilang sa mga prayoridad ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang pagsusulong ng federalismo.

Para kay Robredo, dapat unahin ng admi­nis­trasyon “ang mga ala­lahaning pinaka­malapit sa bituka at pamumu­hay” ng mga Filipino, lalo na iyong mga nag­hihirap, kaysa pamo­molitika.

Matagal nang itinu­tulak ng Bise Presidente na pagtuunan ng pansin ang pagbibigay-solusyon sa matataas na presyo ng mga bilihin na naranasan nitong taon, sa gitna ng pagtaas ng inflation rate ng bansa at ang problema sa suplay ng bigas.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …