Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marlon Marcial Coco Martin
Marlon Marcial Coco Martin

Marlon Marcial, gustong sundan ang yapak ni Coco Martin

DESIDIDO nang mag-focus ang newbie hunk actor na si Mar­lon Marcial sa kanyang show­biz career. Sixteen years old pa lang kasi nang una siyang sumabak sa showbiz bilang model, ngunit hindi pa siya seryoso noon kaya para siyang palitaw na lulubog-lilitaw pa ang drama.

Si Marlon ay tampok sa advocacy film na I Love You L. C. Kasama niya sa pelikula sina Tommy Peñaflor at Jef Gaitan. Mapapanood ito sa third week ng January 2019.

Paliwanag ni Marlon, “Bale, first lead movie ko po ‘to. Bago ito, marami na rin po akong nagawang project, kaso lang ‘di nga po ‘yung lead, parang support-support lang po ako.

“Kasi, 16 years old po ako noong nagsimula sa modelling. Model po talaga ako. Tapos po tumigil ako sa modelling ng three years, nag-aral po ako sa FEU. Business Adminstration po, major in Marketing. Tapos po niyon, after one year po, nag-enroll ako sa Star Magic work­shop.”

Si Marlon ay six footer, 22 years old na tubong Zambales, nag-aaral sa FEU, at isang dating magsasaka. Nakalabas na siya sa Kambal-Karibal sa GMA-7.

Game ba siyang gumawa ng indie film na may mga sexy scene, may kissing scene sa kapwa lalaki? “Sa akin po, hindi naman po ako maarte sa ganoon, basta may project po ako. And, trabaho lang naman po sa akin iyan,” aniya.

Aminado si Marlon na idol niya si Coco Martin at kung bibig­yan ng chance, gusto niyang sundan ang yapak ng star ng FPJ’s Ang Probin­syano ng ABS CBN.

“Idol ko po si Coco. Kasi nagsimula siya sa pa-sexy, sa mga ganoong pelikula, nag-indie rin si Coco… na kahit walang kapit sa showbiz ay talagang nagsikap siya, tapos ngayon isa na siyang superstar na sikat na sikat na po.

“Kahit one fourth lang o ka­titing lang nang narating ni Coco Martin ang maabot ko rin po, magiging masayang-masaya na po ako niyan,” nakangiting saad ni Marlon.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

The Maid in London, suportado ng PCSO bilang tribute sa pamilyang Pinoy

The Maid in London, suportado ng PCSO bilang tribute sa pamilyang Pinoy

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …