Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Katigbak Guido Zaballero Chot Reyes
Carlo Katigbak Guido Zaballero Chot Reyes

Pinoy Broadcast Executives, tampok sa Singapore Leader’s Summit

ANG mga executive mula sa pinakamalalaking network sa Pilipinas ay magsasama-sama para magbahagi ng kanilang insights sa media at entertainment industry ng bansa sa Asia TV Forum & Market (ATF) Leaders’ Summit. Ang nasabing event na may theme na The Next New ay tututok sa pagtuklas ng latest trends at tutugunan ang mga creative challenges sa entertainment content industry ng Asya.

Tampok sa nasabing panel sina Carlo Katigbak, Chief Executive Officer ng ABS-CBN Corporation, Guido Xavier Zaballero, Chief Marketing Officer ng Cignal TV, Inc., at Vincent ‘Chot’ Reyes, President and Chief Executive Officer ng TV5 Network, Incorporated.

Ang Leaders’ Summit ay parte ng ATF at Singapore Media Festival (SMF) na ang Pilipinas ang Country of Focus ngayong taon sa ilalim ng leadership ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ayon kay FDCP Chairperson at CEO Liza Dino, Ipinagmamalaki namin na ang highlight sa Leaders’ Summit na ang panel na nakatuon ay sa Philippine entertainment content, na binubuo ng mga big boss mula sa most influential networks ng ating bansa.

Ang telebisyon at pelikula ay entwined sa iisang industriya at kami ay nagpapasalamat na kinikilala ng Singapore ang mahalagang papel ng Pilipinas sa development ng buong region, content-wise. Dumating ito sa napakagandang pagkakataon na ipinagdiriwang din natin ang Sandaang taon ng Pelikulang Pilipino.”

Bukod sa Leaders’ Summit sa ATF, ang FDCP ay magdadala ng 30 companies na binubuo ng film at content producers, buyers, distributors, animation companies, at service providers para lumahok sa iba’t ibang activities at gumawa ng collaborations para sa future projects.

Ang SMF ay ang leading international media event ng Southeast Asia na hosted ng Infocomm Media Development Authority (IMDA). Ito ay isang pagdiriwang ng Asian storytelling na layuning pagsamahin ang creative at media professionals at ipakita ang pinakamahuhusay na talento, trend, at content ng region, kabilang na ang telebisyon, pelikula, at digital media.

Ang ATF Leaders’ Summit ay gaganapin sa December 4, 2018 mula 2:50 p.m. hanggang 3:15 p.m. (14:50 to 15:15) sa Level 4, Roselle Ballroom sa Marina Bay Sands.

Ang Singapore Media Festival ay nagsimula na noong November 28 at tatakbo hanggang December 9, 2018.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Kathryn, kulang ‘pag wala si DJ; Joross, ang galing-galing; Tommy, revelation

Kathryn, kulang ‘pag wala si DJ; Joross, ang galing-galing; Tommy, revelation

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …