Wednesday , May 29 2024
Deo Endrinal, Cory Vidanes, Lovi Poe, Carlo Katigbak, Rick Tan
Lovi Poe (center) is now officially a Kapamilya following her contract signing ceremony with (L-R) Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal, ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, and ABS-CBN group CFO Rick Tan.

Lovi Poe Kapamilya na! (Kilig na kilig kay Piolo)

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAPAMILYA na nga si Lovi Poe at magsasama sila ni Piolo Pascual sa isang Korean drama remake na Flower of Evil.

Sa pagpirma ng kontrata ng award winning actress at tinaguriang precious jewel sa ABS-CBN kahapon, naikuwento nito ang ukol sa pagsasamahan nilang proyekto Piolo at hindi napigil na ipakita ang kilig.

Ani Lovi, “Iba ‘yung naramdaman (sa project) ko, I’m so excited lalo na noong sabihing si Piolo ang makakasama ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay iyong scene na nasa loob siya ng pool na nalulunod siya at tumalon ako (para sagipin).

‘Oh my God it’s a dream come true. It’s such a beautiful show, thank you ABS-CBN sa pagtitiwala sa akin na makasama si Piolo at magawa ito kaya maraming-maraming salamat,” giit ni Lovi.

Lovi Poe, Piolo Pascual

Enggrande ang pa-red carpet welcome kay Lovi sa mismong ABS-CBN compound na sinalubong nina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN group CFO Rick Tan, at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal. Dumalo rin sa contract signing ceremony ni Lovi ang talent manager niyang si Leo Dominguez.

Subok na ang pambihirang ganda at talento ni Lovi sa iba’t ibang projects, mapa-pelikula o telebisyon hanggang sa modeling at pagiging recording artist. Kaya naman masasaksihan ang iba’t ibang talento ni Lovi sa ABS-CBN na gumagawa ng mga palabas, pelikula, musika, digital show, at concert sa TV at sa digital.

Sa 15 taon niya sa industriya, nagwagi na si Lovi ng Best Actress trophies mula sa FAMAS Awards at Cinemalaya Independent Film Festival. Maituturing ding fashion at style icon si Lovi dahil sa pagiging suki niya sa maraming magazine covers sa loob at labas ng bansa. Isa rin siya sa pinaka-pinagkakatiwalaang brand endorsers sa bansa na may higit sa 11 milyong followers sa personal social media pages niya.

Sa pagtuloy niya bilang isang Kapamilya sa bagong kabanata ng kanyang career, mas marami ring international projects ang gagawin ni Lovi.

Ngayong taon, inilunsad ni Lovi ang recording career niya sa US at naglabas ng mga awiting CandyLost, at Under sa ilalim ng VIM Entertainment sa Los Angeles. Malapit na rin niyang i-release ang EP niya sa tulong ng American producers na sina Bob RobinsonKrisKeyz, at Grammy winner na si Omen.

Bibida rin si Lovi sa unang Hollywood movie niya kasama ang British stars na sina Alex Pettyfer at Poppy Delevingne, ang The Chelsea Cowboy na gaganap siya bilang ang English singer at icon na si Dana Gillespie.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angel Guardian Running Man PH

Angel ‘di na habol manalo, mas gustong mag-enjoy bilang runner

RATED Rni Rommel Gonzales ULTIMATE Runner sa Season 1 ng Running Man Philippines si Angel Guardian kaya natanong ito …

Aica Veloso Kulong

Aica nais kumawala karanasan sa isang kapitbahay

RATED Rni Rommel Gonzales NAGBAHAGI ng kanyang mapait na karanasan ang Vivamax female star na si Aica Veloso nang …

Paolo Ballesteros Kira

Paolo hinangaan pag-e-escort sa prom ng anak

MATABILni John Fontanilla SINALUDUHAN at pinuri ng netizens ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros nang mag-escort ito …

Kathryn Bernardo FAMAS

Kathryn nasungkit 1st FAMAS Best Actress award

MA at PAni Rommel Placente SI Kathryn Bernardo naman ang wagi bilang Best Actress para sa mahusay …

LA Santos FAMAS

LA Santos Best Supporting Actor ng 72nd FAMAS award

MA at PAni Rommel Placente SI LA Santos ang is tinanghal na Best Supporting Actor sa katatapos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *