Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zsa Zsa, nag-resign na sa ASAP?

TRULILI kayang nagresign na si Zsa Zsa Padilla sa ASAP Natin ‘To? Ito kasi ang tinanong sa amin ng taga-Dos nang mapagkuwentuhan namin ang tungkol sa mga semi-regular at regular sa bagong reformat na show.

Nang i-launch ang ASAP Natin ‘To dalawang linggo na ang nakararaan ay wala sina Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, at Billy Crawford bilang hosts.

Sa dalawang male hosts ay pareho silang out of the country samantalang si Zsa Zsa ay nowhere to be found of hindi siya sumipot sa launching.

Hanggang sa nagtaka na ang lahat kung bakit wala ang Divine Diva at may mga nagsabing ‘unfair’ dahil naging loyal siya sa programa sa loob ng 23 years. Kumbaga respeto sa mang-aawit.

“Hindi naman porke’t loyal ka, mag-e-expect ka sa programa,” hirit ng isa pang taga-Kapamilya Network.

Ang katwiran sa amin ng taga-Dos ay hindi nila tinanggal o tsinugi si Zsa Zsa, siya raw ang hindi sumisipot.

“Hindi naman siya inalis, eh. Noong nag-reformat ang ‘ASAP’ same rin as semi-regular kasi ito rin naman ang status niya bago pa nag-reformat,” kuwento ng taga-Dos.

May mga komento kaming nabasa sa social media na naapektuhan ang status ni Zsa Zsa sa pagpasok ni Regine Velasquez sa programa na ngayo’y regular host na kasama pa ang asawang si Ogie Alcasid.

“Hindi naman siguro siya nairita kay Regine kasi mabait naman ‘yang si Zsa Zsa,” sabi ng kausap namin.

Nandoon na kasi sina Zsa Zsa, Martin, at Gary Valenciano noong nagsimula ang ASAP, pero bakit ang dalawang male singers lang ang regular hosts at ang Divine Diva ay naging semi-regular lang?

Ang iba pang regular na hosts ng programa ay sina Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Luis Manzano, Darren Espanto, at Erik Santos.

At sa tanong sa amin kung nag-resign na nga si Zsa Zsa ay baka nga dahil magiging busy na ang weekend niya dahil magpapatayo sila ng fiancé niyang si Conrad Onglao ng resort base sa post niya.

“Hi, friends. I am spending the weekend at our happy place with Conrad.”

Casa Ezperanza ang magiging pangalan ng happy place nila.

“I also want to share with you that we already had the name, CASA ESPERANZA approved. We dream to make this place a destination of sorts in 2020. I’m super excited!

“To those of you who may not know, Esperanza is the name my parents gave me. I share the same name with my mother, KATING, whom we fondly call Manga. I never saw the beauty of my name until others pointed out that it is Spanish for HOPE. It’s beautiful, right? Something that we all should always have- Hope in keeping our dreams alive, hope in people, hope in the future of our children and hope each act of kindness brings happiness to others.

“I am not yet in a position to say much and answer all of your questions but this much is true: BE STRONG AND MOVE ON. HARBOR NO BITTERNESS IN YOUR HEART. BE THANKFUL. Love and peace to everyone.”

Hayan, maliwanag na, kaya siguro tapos nang magtanong ang lahat kung inalis o kung sisipot si Zsa Zsa sa ASAP Natin ‘To.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …