Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta KC Concepcion Pierre Plassant
Sharon Cuneta KC Concepcion Pierre Plassant

Sharon, magpapabuntis muli (‘pag ‘di pa nag-asawa si KC)

INIP na inip na pala si Sharon Cuneta sa pag-aasawa ng panganay niyang anak na si KC Concepcion, 33, dahil gusto na niyang magka-apo.

“Relax lang ‘yung anak ko, which I’m happy about, seriously. Kasi, she’s not in any rush, she’s not pressured and she’s really enjoying every moment of happiness that she spends with Pierre (Plassart),” saad ng Megastar sa ginanap na mediacon ng Three Words to Forever, movie nila niRichard Gomez.

Pagkukuwento pa ni Sharon sa nakikita niyang relasyon nina KC at Pierre, ”They have their own (lengguwahe), when you watch them together, they’re like ‘nakakatawa ‘tong dalawang ‘to’ parang may sarili silang language na magtitinginan, magtatawanan. I’m happy, I’m very happy for them.”

Sobrang boto nga ang mama ng dalaga sa French boyfriend niya at tinuturuan na niyang mag-Tagalog dahil nagno-nose bleed siya kapag nag-uusap sila ng french.

Sabi pa, ”If I could have met someone like Pierre also when I was younger, it would have been so perfect. He is so perfect for her (KC).”

At kapag hindi pa siya nabigyan ng apo, ”’Pag hindi pa siya (KC) nag-asawa, magpapabuntis uli ako para may baby sa bahay, nakakahiya naman, ‘di ba?”

Samantala, nabanggit din ng Megastar na hanggang ngayon ay dala-dala niya ang bigat sa dibdib dahil kinulang siya ng oras at atensiyon kay KC.

Bahagyang nalungkot ang tinig ni Sharon nang ikuwento niyang dala-dala niya sa dibdib na nagkulang siya ng oras at atensiyon sa panganay niya habang lumalaki dahil at that time ay abala siya sa trabaho dahil single mom siya ng ilang taon.

“Parang na-shortchange pagdating sa oras at atensiyon kay KC and up to this day, dala-dala ko ‘yon, it’s very heavy in my heart.

“I raised her to be independent and then she taught herself to become much more independent. So, sometimes you wish that she was a bit more like Frankie or Miel or Miguel na mas kailangan ka pa ng kaunti.

Sa­mantala, mapapanood ang Three Words to Forever sa Miyerkoles, Nobyembre 28, nationwide at kasama sina Freddie Webb, Liza Lorena, Joross Gamboa, at Kathryn Bernardo mula sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina at handog ng Star Cinema sa pagdiriwang ng kanilang 25th yr. at 30th yr. naman ng loveteam nina Sharon at Richard.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Julia, inagaw ni Jameson kay Joshua 

Julia, inagaw ni Jameson kay Joshua 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …