NASORPRESA si Regine Velasquez nang ibigay ni Sharon Cuneta ang singsing na suot-suot nito nang mag-guest sa Regine At The Movies, noong Sabado, Nobyembre 24 sa New Frontier Theater.
Si Sharon ang special guest ni Regine sa nasabing konsiyerto three night concert.
Pagkatapos mag-duet ng dalawa, agad hinubad ni Sharon ang kanyang flower-shaped diamond-studded double finger ring at iniabot sa Asia’s songbird bilang regalo.
Ang singsing na milyon ang halaga ay gawa ni Candy Dizon ng Jul B. Dizon jewelry.
Ani Sharon, ”Pinakamahal na regalong nabigay ko sa buhay ko ‘to.”
Ibinigay niya ang singsing dahil sa pakiramdam niyang nais niyang magbigay at aminadong iyon ang pinakamal na regalong naibigay niya.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio