FRESH looking ang mag-iinang Kris, Joshua, at Bimby Aquino kahapon pagkagising nila base na rin sa litratong ipinost ng una sa kanyang IG. Mukhang okay na ang pakiramdam ng Queen of Social media at handa na siya muling magtrabaho.
Ang caption ni Kris, “#aboutlastnight. The 2 knew I was physically unwell since Sunday and that today I need to fulfill an important work obligation. So my 2 giants squished with me, and we were all snoring by 10:30 PM.
“I promised myself that I would start each day with #gratitude and today I want to express my #thankyou to @snailwhitephils and the parent company @namulifesnailwhite for having conscientious and admirable business ethics. Their counsel, Atty Bernas had an intelligent and productive meeting with Atty Ricky and Atty Eloi of Divina Law. I am relieved that issue is settled.
“Now if it’s okay, please help me pray for the same peaceful outcome for the ongoing negotiations regarding the 12 branches of @potatocornerph and @nachobimby?”
Samantala, for the nth time ay muling klinaro ni Kris para sa kaalaman na rin ng bashers na hanggang ngayon ay hindi pa rin maintindihan kung bakit siya nagdemanda ng 44 counts of theft sa dating managing director ng KCAP na si Nicko Falcis II gayung maliit na halaga naman daw ang P1.2-M credit card charges.
Ayon kay Kris, “Maybe now you’ll be enlightened that the financial issues I currently face aren’t merely about credit card charges (although it can be better understood this way- for anyone working and possessing a company credit card- kapag ang billing statement dumating sa accounting department, repeated charges on that company card worth let’s say ± 59,598.26 for @chinomnl that states in their own website
“Chino’s beverage menu features a curated collection of tequila and mezcal and a special collaboration with local brewery, Joe’s Brew on an exclusive Chino Cerveza.”
“Lulusot ba ‘yan sa finance department ‘pag na audit ka, na madalas “nakipag meeting” sa isang “restaurant bar” especially kung may conflict of interest because naging kliyente mo ‘yung said establishment as a “consultant”?
“To be 100% transparent, late 2016 I had tried their HKG outpost once, but I have never been to the BGC branch because from 2018 my endorsement contracts became more specific about appearing intoxicated or patronizing known venues where alcoholic beverages are prominently displayed and heavily marketed.) A productive Wednesday to all.”
Kami rin ay kailan lang din namin natindihan kung bakit ito ginawa ni Kris base sa kuwento rin niya sa amin kamakailan na napakarami niyang establishments ang hindi niya puwedeng puntahan dahil conflict sa mga brand partner niya at katunayan may listahan ang staff niyang sina Alvin Gagui, Jack Salvador, at Bincai Luntayao (madalas niyang kasamang umaalis) sa kani-kanilang cellphones ng mga lugar, restaurants, coffee shops, shopping malls na hindi nila puwedeng puntahan o makita ang KCAP CEO/President.
Kaya pala ingat na ingat si Kris na mapadaan sa isang lugar na may product name ng kakompetensiya o conflict sa mga produktong ini-endoso niya dahil baka makunan siya ng litratong ito ang nasa background ay malaking isyu ito.
Bale ba, ang daming brand partners ni Kris, kaya na-curious tuloy kami kung anong mall o establishment ang puwede pa niyang puntahan.
Nananatili pa ring bukas ang pahinang ito para kay Nicko Falcis o sa pamilya niya para sa kanilang panig.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan