PATULOY na nangunguna ang FPJ’s Ang Probinsyano at hindi nagawang pataubin ng bagong seryeng tumapat rito mula sa GMA 7.
Noong Lunes (Nov. 19), nakakuha ang action-serye ni Coco Martin ng national TV rating na 40.1% samantalang mayroon lamang 17.6% ang Cain at Abel nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes.
Noong Martes (Nov. 20), lalo pang tumaas ang rating ng Ang Probinsyano na nakakuha ng 42.8% samantalang 16.7% lamang ang Cain at Abel.
Patunay lamang na hindi pa rin kayang pataubin ng GMA 7 si Cardo Dalisay. Nananatili pa ring undisputed king of primetime si Coco, at ito ay mula sa mga tala ng Kantar Media.
Tatlong taon na ang Ang Probinsyano, at tatlong taon na ring nangunguna at consistent top-rating TV show sa bansa simula nang umere ito noong 2015.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio