Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gina, tiwala kay Coco na makakayanan ang kinakaharap na isyu ng Ang Probinsyano

MAINIT na pinag-uusapan ang aksiyong-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil hindi nagustuhan ng Philippine National Police Director General Oscar Albayalde ang umereng kuwento na masama ang mga miyembro ng pulis.

Bagama’t may disclaimer naman na kathang isip lang at hindi ipinakikita ang mga totoong tao sa organisasyon ay tila hindi pa rin sapat ito dahil may plano ang DILG na magpapataw ng kaukulang aksiyon, kasama sa kaso ang pagbabawal sa pag-ere ng show, ang paggamit ng police uniform, kagamitan at maging ang paggamit ng acronym ng Philippine National Police (PNP) na nasa ilalim ng DILG base sa pahayag ng spokesperson na si Jonathan Malaya.

Natanong naman ang aktor na si Eddie Garcia na kasama sa Ang Probinsyano pagkatapos ng presscon ng pelikulang Hintayan ng Langit nila ni Gina Pareño kung ano ang reaksiyon niya.

“As for the issue, well it’s up to them, its management’s call. I have nothing to do with it, I’m just an actor there,” katwiran ng beteranong aktor.

Gumaganap si Eddie sa karakter na Don Emilio Syquia rati at ngayon ay siya na si Señor Gustavo Torralba.

Si Gina naman ay nagpahayag kay Coco bilang si Cardo Dalisay na makakayanan nito ang isyung kinakaharap ng programa niya.

“Apo, stay positive. I know you can overcome. After all, we’re just doing our job as actors,” saad ng aktres.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Hintayan ng Langit, binili ng Globe Studios

Hintayan ng Langit, binili ng Globe Studios

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …