NAKIKIISA tayo sa malugod na pagtanggap kay bagong Manila Police District (MPD) directror, S/Supt. Vicente Danao.
Maligayang pagdating sa Maynila Kernel Danao. Umaasa tayo na rito mo masusungkit ang unang estrelya sa iyong balikat.
Nitong 7 Nobyembre, opisyal na itinalaga ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde si Kernel Danao bilang kapalit ni C/Supt. Rolando Anduyan bilang MPD director.
Si Danao ay mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), bilang deputy chief for operations. Naging Davao City police chief din siya noong panahon ni mayor Rodrigo Duterte hanggang 2016. Kabilang din siya sa Philippine Military Academy Sambisig Class of 1991.
Walang puwedeng tumawad sa tikas at tapang ni Kernel Danao. Sabi nga, his track records speak for itself.
Kaya naniniwala tayo na hindi uubra kay Kernel Danao ang pamamayagpag ng mga ilegalista sa MPD lalo na ‘yung mga miyembro ng delihensiya group.
Hindi rin siguro makaliligtas sa matalas na pang-amoy ng bagong MPD Director ang mga opisyal na kuwestiyonable at overstaying na sa kanilang mga posisyon.
Hindi lang sermon ang matitikman nila kay DD Danao kundi ipabubusisi pa sila sa pamamagitan ng lifestyle check.
By the way, DD Danao, kaiingat po kayo sa magagaling magsipsip at magagaling sa pag-aalok sa inyo ng good time sa Chinese KTV bars.
Kung tutuusuin ay madali lang po silang makikilala — lalo na ‘yung mga hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin kahit apat na district directors na ang nakalipas.
Mantakin ninyo, apat na ang nawala, ‘yung mga overstaying officials namamayagpag pa rin sa MPD?
Aba kataka-taka na ‘yan!
I-lifetsyle check na ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap