Magandang umaga po.
Dito na po ako lumaki sa Sampaloc. Pero ngayon ko lang nalaman na residente pala rito ang anak ni Laarni Enriquez.
Ngayon po ay hindi lang simpleng residente, tumatakbo siya ngayong konsehal para sa 4th District. Ang alam namin, sa Pebrero pa ang kampanyahan pero ngayon pa lang po, punong-puno na ng poster ng anak ni Laarni Enriquez ang area namin. Ultimo mga CCTV camera (public and private) ay natatakpan ng mga poster nila.
Wala po bang gagawing aksiyon ang Comelec sa maagang pangangampanya ng anak ni Laarni?
Andrex Roxas
(+63923739 – – – – )
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap