Wednesday , May 14 2025
internet slow connection

LP senators humahadlang sa China Telecom

NAGPALABAS ng pahayag ang mga senador ng Liberal Party (LP) na sina Franklin Drilon, Risa Hontiveros, Leila De Lima, Francis Pangilinan, at Antonio Trillanes na sinisiraan ang proseso ng pagpili ng National Telecommmunications (NTC) ng provisional new major player (NMP) na Mislatel consortium.

Kabilang sa katanungan ng mga senador ng LP ang transparency ng selection process lalo sa tanong kung bakit diskalipikado ang dalawa pang bidder at kung isinagawa ito masabi lang na dumaan sa maayos na proseso ang gobyerno.

Isinangkot din nila ang Malakanyang sa isyu na tiniyak na makapagsisimula ang operasyon sa Filipinas ng China Telecom sa unang bahagi ng 2019.

Ngunit ipinagtataka ng netizens ang mga kuwestiyon ng bloke ng oposisyon na napansing “hindi nila ginawa nang maayos ang kanilang homework” dahil ang kabuuan ng pa-bidding ng NTC mula sa pag-susumite ng mga bid hanggang sa pagpili ng provisional NMP ay naka-broadcast nang live sa iba’t ibang news channel.

Sa araw ding napili ang Mislatel consortium, idiniin ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi nakialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili sa ikatlong telco at “naging transparent, patas, isinapubliko at bukas ang proseso na isinagawa nang naaayon sa batas at nararapat na mga patakaran at regulasyon.”

Ang pahayag ni Panelo sa maayos at transparent na selection process sa NMP ay sinabayan ng mga pahayag nina Senador Francis Escudero at Joel Villanueva na pinuri ang Department of Information and Communication Technology (DICT) at ang NTC.

Tulad ni Escudero, naniniwala si Sen. Sonny Angara na ang pagpasok ng NMP sa telecom­mu­nications industry ay magpapabilis sa pagpapatupad nang malawak sa buong bansa at mas mainam na internet services na abot-kaya ng mamamayan.

Bukod sa internet connectivity at mobile services improvement, nagpalabas din ng kani-kaniyang pahayag sina National Economic Development Authority (NEDA) chief Ernesto Pernia at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa benepisyong makukuha ng ating ekonomiya sa ikatlong telco na magkakaloob sa ating bansa ng investment partnerships at capital spending.

Dahil kasama sa Mislatel group ang China Telecom, nagpahayag ng pangamba si Sen. Grace Poe sa seguridad ng ating bansa kaya hindi dapat balewalain ang paglahok ng isang dayuhang kompanya sa telco at dapat timbanging mabuti ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng iba pang ahensiya sa intelligence community.

Ngunit maagap na sumagot si National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pangamba ni Poe at tiniyak sa publiko na nagkaroon ng papel ang AFP sa pagpili ng ikatlong telco kaya walang dapat ipangamba ang mamamayan tungkol sa pam­bansang segu­ridad.

Sa pagdalo sa regular na Kapihan sa Senado media forum, iniha­yag ni Senate Ma­jo­rity Leader Juan Miguel Zubiri na,  ”I believe China Tele­com is a publicly listed firm in main­land China. The books are open, they are trans­parent.”

Idinagdag niya na ang paglahok ng China Telecom sa Mislatel ay magiging problema sa pambansang seguridad.

Hindi pa man nakokompirma ang provisional NMP, kumukuha na ang First Point Group sa pamamagitan ng Linkedin platform nito ng mga  job applicant na interesadong magtrabaho sa mga proyekto ng Mislatel consortium.

About hataw tabloid

Check Also

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *