Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maine Mendoza Arjo Atayde
Maine Mendoza Arjo Atayde

[EXCLUSIVE] Maine at Arjo, mag-on na! (Sinorpresa ang aktor sa Bali)

HABANG nagtitipa kami kahapon ay pinadalhan kami ng link ng fans ni Maine Mendoza kung saan makikita ang mga litrato nila sa IG stories kasama sina Sheena Halili at fiancé at si Arjo Atayde na kasalukuyang nasa Bali, Indonesia ngayon.

May kuhang litrato si Arjo sakay ng eroplano na may caption na, “END GAME.. HAHAHA. MAINE AND ARJO IN BALI, INDONESIA. B-day Salubong ni Atayde. Very Inlove n talga c Lola @mainedcm N’yo.. Sabi ng mga Hibang c Alden Kasama?

Mga hibang. Kasma nya ang Real Bf Nya c @arjoatayde. With friends Sheena na para di halata… Ayan na ang PASABOG NI @mainedcm.”

May mga ipinadalang pictures na hindi magkasama sina Arjo at Maine dahil ang kasama ng huli ay sina Sheena.

Ang kuwento sa amin, “connecting flight ni Maine sa HK to Bali para hindi sila magsabay ng Ataydes. They were protecting her (Maine) na huwag ipakita para iwas bash po.”

Nabanggit ding kasama ni Arjo ang pinsang si Gab at kapatid nitong si Ria Atayde na hindi naman namin nakita sa pictures.

Tinanong namin kung ano ang koneksiyon ng ka-chat namin kay Maine, “secret po.”

Sabay sabi, “November 3 po sila umalis ng Pilipinas…Dating po sila sa ‘Pinas ayon … at bday gift ni Maine to Arjo is make it official na surprise niya sa bday salubong ni Arjo sa Bali… Plan ni Maine matagal na at hindi nagpaalam sa ama ang dalaga pero okay na po sila ngayon…nagde-date sila dito wala chaperon at team si Maine.”

Tinanong namin kung ano na ang real score nina Maine at Arjo sa ka-chat namin, “Now they are officially on as a couple.”

Ganoon?  Wait lang ha, hindi namin makontak itong si Arjo, hindi rin sinasagot text messages namin, eh. Maging si Ria ay hindi rin kami sinasagot.

Kasalukuyang nasa Bangkok ang magulang nina Arjo at Ria na sina Papa Art Atayde at Sylvia Sanchez kasama ang bunsong anak na si Xavi na lahat sila hindi nagsisisagot sa mga tanong namin.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Romnick, may idine-date na Tisay; Harlene, may kasamang lalaking medyo Bumbayin

Romnick, may idine-date na Tisay; Harlene, may kasamang lalaking medyo Bumbayin

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …