MAGANDA ang feedback ng hosting ni Sarah Lahbati sa Eat Bulaga na noong una ay medyo nangapa pa pero ngayon ay komportable na kasama ang mga Dabarkads hosts. Si Sarah ang kinuhang pinchitter ng Eat Bulaga para kina Pauleen Luna at magbi-birthday sa ibang bansa na si Pia Guanio kasama ang kanyang mag-aama.
Bago tumulak pa-abroad ay nakatuwang ni Pia sa pagho-host sa pre-judging para sa 40 candidates sa “Miss Millennial Philipines 2018” na bukas ay gaganapin ang grand finals sa New Frontier Theater. Nitong Miyerkoles ay sumabak sa Barangay si Sarah kasama ang JOWAPAO (Jose, Wally, Paolo) at Maine Mendoza para mamigay ng regalo sa Sugod Bahay sa Barangay at seksing-seksi si Sarah na naka-shorts outfit lang na bagay naman sa actress na misis ni Richard Gutierrez.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma