Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage
Carlo Aquino Angelica Panganiban Exes Baggage

Carlo, umaming mahal din si Angelica: Source of inspiration ko siya

VIRAL ang post ni Angelica Panganiban sa Instagram niya ang litratong nakakandong siya kay Carlo Aquino na may caption na‘mahal kita.’

Post ng aktres, ”Hindi na matatapos. Lahat ng kaligayahan ngayon, para sayo. Mahal kita.”

Naganap ito nitong Martes pagkatapos ng thanksgiving party cum presscon ng Exes Baggage na humamig na ng P355.5-M worldwide na produced ng Black Sheep at idinirehe ni Dan Villegas.

Pagkatapos ng presscon ng upcoming concert nina Carlo at Matteo Guidicelli na Matteo X Carlo na ginanap sa R20 Events Place ay tinanong ni TV Patrol reporter, MJ Felipe ang aktor tungkol sa post ni Angelica at hudyat na ba itong ‘sila na ulit.’

“Hindi kami, well, ako rin naman, mahal ko rin naman siya (Angelica), source of (my) inspiration, ‘di ba? ‘Yun lang din naman ang wini-wish namin sa isa’t isa na hindi matapos ang saya,” katwiran ni Carlo.

Hirit namin kay Carlo na nabanggit niya noon na huwag muna siyang tanungin kung ano ang plano niya kay Angelica dahil mayExes Baggage pa at tanungin na lang ulit siya pagkatapos ng pelikula nila.

“Hanggang ngayon naman nagkikita pa rin kami at hindi natatapos ang communication namin after ng pelikula, pumupunta ako sa kanya, sinusundo ko siya kapag may kailangan kaming puntahan,” saad ng aktor.

Bale, may mutual under­standing sila, ”Hindi namin napag-uusapan actually,” sabi sa amin.

Hindi naman itinanggi ni Carlo na malaking bahagi sa showbiz career niya si Angelica dahil muli itong sumigla.

Ilang taon din kasing nawala ang aktor at ang seryeng unang napanood siya ay ang The Better Half noong 2017 kasama sina Denise Laurel, JC de Vera, at Shaina Magdayao.

Aniya, ”’Yun kasi ang maganda sa pagkakataon, hanggang nabubuhay ka hindi naman nawawala ‘yun (chance) at nasa sa’yo na lang kung i-interrupt o hindi. Eh, willing naman akong i-grab ang mga pagkakataong iyon na ibinigay sa akin ng ABS-CBN, ng Black Sheep (producer ng Exes Baggage), kaya winelcome ko ‘yung chance.

“May dapat akong pasalamatan, siyempre, pasasalamatan ko si Angge, pasasalamatan ko rin ang Spring Films (producer ng Meet Me in St. Gallen), ang dami kong pasasalamatan hindi ako matatapos dahil para makabalik dito (showbiz) at nagsasalita ngayon sa harap n’yo at may concert pa, hindi lang si Angge, pero isa siya sa malaking bagay kung bakit nandito ako ngayon at hindi ko isinasantabi ‘yun.”

Magaling kasing umarte at marunong makisama at propesyonal si Carlo kaya binigyan siya ng ikalawang tsansa ng ABS-CBN atStar Cinema.

Samantala, first time magsasama sa concert sina Matteo at Carlo na gaganapin sa Music Museum sa Nobyembre 17 produced ng Hills & Dreams and OnQ at ang repertoire nila ay Pop-rock songs.

“Almost the same kind of music kami,” say ni Carlo, “nagre-reggae ako, siya (Matteo), ako rin naman nagre-reggae rin.”

“A lot of pop-rock and few love ballad songs that will be included in the repertoire,” say ni Mat. ”Mga piling 90’s songs din,” sabi rin ni Carlo.

Natanong kung isa sa special guest si Angelica sa concert.

Tumingin muna si Carlo sa producer at sabay sabing, ”hindi ko alam kung makakapunta sila! Sila?” tumawang sagot ng aktor.

Pero siguradong iimbitahin ng aktor ang kanyang Exes Baggage leading lady.

Ang Matteo x Carlo show ay ididirehe ni Frank Lloyd Mamaril at si Marvin Querido naman ang musical director. Ang mga sponsors ayBoardWal, BeauteDerm Corporation, Circulan, Chef & Brewer Café and Restaurant, Fernandos Bakery, FLM Creative and Production Inc, Gingerbon Lungcaire Plus, Nature Spring, One Stop Soap, R20 Events Place, The Platinum Karaoke Uratex Foam and Vitasoy.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …